36: Kahilingan

19 0 0
                                    

A/N: This poem is dedicated to my cats. So, if you're not a fan of this kind of poem, kindly skip this part. Thank you. 

------------

Ayokong umuwi sa tinatawag kong tahanan
Na hindi ikaw ang una kong masisilayan
Gusto ko pa ring ika'y nasa tabi ko
Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa'yo ito

Ngunit kung ako'y tuluyan mo nang iiwan
Bigyan mo ako ng huling pagkakataon na ika'y muling mahagkan
Nais kita pasalamatan
Dahil sa malupit na mundong ito
Ako'y nasaklolohan mo

Sabi nila ay nalalaman mo n'yo raw kung ako'y tuluyan nang aalis sa mundong ito
Kung kaya't iniiwan n'yo ang inyong mga amo
Upang hindi nila makita pa ang labi ninyo

Ngunit totoo man iyon o hindi
Hayaan mong makita ko ang bangkay mo
Hayaan mong yakapin kita
Hayaan mong masaktan ako sa paglisan mo

Sapagkat pabor sa aking masaktan ng katotohanan
Kaysa umaasa akong isang araw ay babalik ka pa
Kahit alam ko sa sarili ko na ako'y nilisan mo na
'Pagkat hibang akong hindi maniniwala sa sasabihin nilang tunay ngang wala ka na

Hayaan mong iyakan kita
'Pagkat tanda iyon na mahal kita
Hayaan mong sa huling pagkakataon ay mahalikan kita
Dahil pahiwatig iyon ng pasasalamat at pagtanggap na ako'y iiwan mo na.

A/N: my cats are still alive, but I am so afraid that one day they will leave me or abandon me just because they know that they're dying. :((

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now