Alam mo bang sa simpleng salita mo
Maaaring makagaan ng loob ito sa isang problemadong tao
Ayos lamang kung ika'y umiyak, masaktan, at mapagod
Sa rami ng pinagdaanan mo bakit ngayon ka pa susuko?Kung sa tingin mo ay yakap ang solusyon sa pinagdadaanan mo
Halika rito,
Bukas ang mga bisig ko para sa 'yo
Handa akong yakapin ka upang gumaan ang loob moBukas din ang mga tenga ko
Habang ang bibig ko ay sarado
Sa mga salitang negatibo
Basta handa akong pakinggan ka kapag nais mong ilabas ang iyong mga problemaHuling paalala ko
Ang bisig at tenga ko ay bukas para sa 'yo
Handa akong makinig at maging sandalan mo
Tandaan mong may isa pang naniniwala sa 'yo dahil mayroon pang isang ako.A/N: to all roses/people who's suffering from mental health or dealing with anxiety or depression, cheer up pooo. mwaaaaa<3
ВИ ЧИТАЄТЕ
Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)
ПоезіяLahat ng salitang nabuo sa saya, lungkot, at galit ay ginawang tula. Pagkadurog, pagsasaya, pagkagalit, o pagkapuot ay gagawing tula. Kukuha ng panulat at papel, lalaruiin ang mga salita upang makabuo ng isang tula.