26: Pagod Na Ang Puso Ko

18 0 0
                                    

Handa akong makinig sa inyo
Ngunit sinong handang makinig kapag may problema ako?
Handa rin akong yakapin kayo
Ngunit sino ang handang yumakap sa akin kapag napapagod ako?

Handa akong maging tenga at sandalan ng kahit na sino
Ngunit sino ang nariyan kapag may kailangan ako?
Hiniling kong sana'y may isang gaya ko
Oh 'di naman kaya'y sana'y naging bato ang aking puso

Nang sa gayon ay hindi ko maramdaman ito
Pipiliin kong maging bingi sa sitwasyong ito
Nang hindi ko marinig ang masasakit na salitang sinasabi n'yo
Sana'y manhid ako nang hindi ko maramdaman ang sakit na dulot n'yo

Tigilan n'yo ako sa kasasabing kayo ang sandalan at tenga ko
Dahil isa kayo sa mga dahilan kung bakit nalulugmok ako
Hindi ako makakasandal sa inyo
'Pagkat itinulak n'yo na ako palayo

Mahirap bumangon at lumabang mag-isa
Tinatanong sa sarili kung kaya ko pa ba
Walang maisip na dahilan upang lumaban
Ngunit wala ring sapat na dahilan upang ang problemang ito'y sukuan

Huling sandali ito
Sana'y tumatak sa isip n'yo
Na hindi ko pinili ang mabuhay sa mundong ito
Ngunit wala akong pamimilian kung hindi ang masaktan 'pagkat minamahal ko kayo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now