Episode 2 - Cupid's Squalling

1.5K 59 69
                                    

KANNAGI

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

KANNAGI

“So . . . ano’ng ginagawa mo rito?” Humalukipkip ako. Para akong miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Tsismosong May Care, na kasalukuyang kinikilatis ang bagong salta sa aming barangay.

Nakapagbihis na ako at nakaupo na ngayon sa pang-isahang sofa. Siya naman sa kabila, prenteng nakaupo saka kinandong niya pa ang kulay maroon na throw pillow. Base sa suot niya, napagtanto kong ’di naman siya magna. Agad na dumalaw ang ideya sa isip ko: Baka kamag-anak siya nila Ma’am Gulmatico. Pero kailangan ko munang makasiguro. ’Di dapat ako umastang kampante sa harap niya.

“Ako ang unang nagtanong kanina kaya sagutin mo ’ko ngayon. Bakit dito ka naligo? Sino ka ba? Ano ka ba rito?” sunod-sunod na paghagis niya ng kuwestiyon, gumagamit ng sagutin-mo-agad-ang-tanong-ko! na tono. ’Tapos, diskumpyado pa ang klase ng titig na ipinupukol niya sa ’kin.

“Ako si Kannagi Lacanlali, ang bagong caretaker sa mansyong ’to. Ikaw, sino ka?” Siyempre, hindi ako nagpatalo.

Ipinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harapan ng dibdib. “My name’s Clyvedon Escarchia. Stepmom ko ang amo mo.” Bigla na lang tumaas ang gilid ng kanyang mga labi. “Pa’no ba ’yan? Ibig sabihin, isa na rin ako sa mga pagsisilbihan mo,” pasaring niya.

Nagpanting ang tainga ko dahil sa tonong ginamit niya—nang-aasar at siguradong may masamang pinaplano.

Translation sa sinabi niya: Pa’no ba ’yan? Isa na rin ako sa mga magpapahirap sa ’yo.

“Weh? ’Di nga? Pa’no naman ako maniniwala sa ’yo? May pruweba ka ba riyan?” Ako naman ang nagbato ng maraming tanong. Siyempre, kailangang may patunay gaya ng picture o ’di kaya’y may contact number siya ni Ma’am Gulmatico sa cell phone niya.

’Ika nga, “To see is to believe.”

“Wala kaming pictures. Wala rin akong number niya kasi ’di naman kami close. Pero pinilit ako nina Tita at Papa na tumira dito. Ngayon kung ayaw mong maniwala, tawagan mo siya at nang magkaalaman na,” sambit niya, nanghahamon.

Ba’t parang nababasa niya ang nasa isip ko?

Bumuntonghininga na lang ako. “Oo na! Oo na!” pagsuko ko.

Kinuha ko ang cell phone ko sa mini table ’tapos tuluyan na akong tumayo at naglakad para lumabas ng mansyon. Pero ’di pa man ako nakatatapak sa welcome mat nang magsalita ulit si Clyvedon: “About earlier . . . okay, ha. Nice body.”

Nagngangalit ang ngipin ko. ’Di ko siya nilingon, bagkus itinaas ko ang aking hinlalato sabay sigaw ng, “Pakyu ka!”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant