Episode 7 - Detention Room [2/2]

446 24 20
                                    

KANNAGI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KANNAGI

“There should be repercussions for MH learners who transgressed the academic code of conduct. Kung hindi namin kayo paparusahan, wala kayong makukuhang rason para magbago.” Iyan ang sabi sa ’min ng detention supervisor kani-kanina lamang.

Sa kasamaang-palad, kasalukuyan kaming nakatambay rito sa detention room habang binabantayan ng isang babaeng instructor—ang nagsisilbing detention supervisor.

Pagdating kasi ni Clyve kanina, nagpatuloy kami sa pakikipagsuntukan sa mga sinuhulan ni Prim. Kaya lang, biglang pumasok sa eksena si Cerri na may kasamang guro. Kaya heto kami ngayon, nagsusulat ng “I will not do it again” sa isang yellow paper, back to back, at saka kailangan naming manatili rito sa silid sa loob ng isa’t kalahating oras. Punyemas!

Hindi kami puwedeng gumawa ng ingay o makipag-usap sa katabi, hindi maaaring lumabas, bawal ang paggamit ng cell phone, ang pagkain at pag-inom ng kung ano-ano ay ipinagbabawal din, at hindi rin puwedeng matulog o kahit magtulog-tulugan sa loob.

Kung lalabag kami sa patakaran, ang mga oras na ginugol namin sa loob ay hindi bibilangin at kailangan ulit naming bumalik sa susunod na araw. At ayaw kong mangyari ’yon!

“Nagsumbong pa kasi si Cerri, e,” hinaing ni Soichi sa mahinang tinig. “’Yan tuloy, na-detention tayo.”

“’Langyang buhay ’to, o. Parang want ko na lang tuloy maging pinaka-powerful na student sa isang academy na napalilibutan ng kagutaban, huhuness,” gatong naman ni Aneeza at umaktong naiiyak.

Magkatabi kami ngayon nina Soichi, Aneeza, at Clyvedon. Sa likuran naman namin nakapuwesto si Prim saka ang kanyang dalawang alipores, at pati na rin ’yong miyembro ng Martial Arts Club. Sigurado ako, dahil sa nangyari, dahil ginamit nila sa pakikipag-away ang mga natutuhan nila sa kanilang org, matatanggal ang dalawang ’yan.

Hindi pa rin kami tapos sa pagsusulat ng “I will not do it again” sa isang dilaw na papel. Ch-in-eck ko ang mga katabi ko at nasaksihang may kanya-kanya silang trip para makatapos: nilakihan ni Clyve ang sulat niya para madaling mapuno ang kanyang papel; ipinagdikit naman ni Aneeza ang tatlong ballpen saka nagsulat kaya tig-tatatlong sentences ang naisusulat niya; at si Soichi naman ay parang dinaanan ng buhawi ang kanyang sulat-kamay dahil sa pagmamadali.

Ako naman, hindi ko binilisan ang pagsulat at hindi rin naman ako masyadong mabagal. Sakto lang. Ika nga, write at your own pace. Hindi mo kailangang makipagkumpetensya sa iba. Hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo. Dapat mag-focus ka lang sa progress mo, at enjoy-in lang ang proseso. Pasasaan pa’t matatapos ka rin—magtatagumpay ka rin.

Teka, ano ba’ng ipinaglalaban ko rito?

Nang matapos kami, isa-isa kaming lumapit sa detention supervisor at pinasa namin ang aming papel. Nga lang, hindi pa rin kami maaaring umuwi kasi ’di pa tapos ang oras namin sa loob. Kailangan pa naming tumambay rito ng isang oras.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now