Episode 19 - Finding Kann [1/2]

183 6 1
                                    

THIRD PERSON POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIRD PERSON POV

FRI AT 2:33 PM

Soichi:

good aftiee

FRI AT 3:02 PM

Nadine:

henlo

SAT AT 7:58 AM

Soichi:

kain ka na po

SAT AT 9:21 AM

Nadine:

gege

TUE AT 10:50 PM

Soichi:

goodnight

Nadine:

K

Nasapo ni Aneeza ang kaniyang noo matapos mabasa ang palitan ng mensahe nina Soichi at Nadine (ang babaeng pinopormahan nito na nakilala nito noong foundation week).

“Jumbo hotdog, kaya n’yo pa ba, Soitchy?” Bumuntonghininga ang dalaga ’tapos humagikhik. “Nugagawen? Block n’yo na lang kaya ang isa’t isa? ’Wag n’yo nang lokohin ang mga sarili n’yo,” panunulsol pa nito.

Itinaas ng binata ang nakakuyom niyang kamay na wari’y naghihimagsik at pagkatapos ay nagsabi ng, “Kaya pa ’to. Ipilit natin!”

Ipinulupot ni Aneeza ang sarili niyang mga braso sa kaniyang katawan. “May jacket ka ba diyan?”

Nagpang-abot ang mga kilay ni Soichi. “Bakit?”

“Ang cold kasi talaga ng convo n’yo, eh. Gininaw tuloy si me.”

“Imong mama, gininaw!” Umingos ang binata at padabog na iniwan ang kaibigan sa lamesa upang lapitan si Gemini na kasalukuyang namimili ng libro sa lalagyan ng mga ito.

Sa kabilang mesa nakaupo si Richmond na binansagang “Beast Mond” habang nagkakape. Panay ang tingin niya sa kaniyang cell phone kasi naghihintay siya ng balita kina Clyvedon at Kannagi. Atat na atat na siyang malaman kung nagkausap at nagkaayos na ba ang dalawa. Todo ang suporta niya sa dalawang kaibigan at ayaw na ayaw niyang magkalamat ang kanilang relasyon.

Ngunit sa di-inaasahang pagkakataon, nabulahaw silang lahat sa kani-kanilang ginagawa nang marahas na binuksan ng isang lalaki ang pinto ng tindahan ng libro at saka sumigaw ng, “T-tulong! Tulong! May . . . may na-kidnap sa labas! Kasamahan n’yo ’ata!”

Magkasabay na napatayo sina Richmond at Aneeza; naghagis pa ang huli ng isang kamay patungo sa bibig nito. Samantalang sina Soichi at Gemini naman, dagli nilang ipinihit ang leeg patungo sa direksyon ng pintuan. Rumehistro ang gulat sa kanilang mga mata dahil sa masamang balitang naulinigan.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now