Episode 13 - Grumpy x Sunshine

410 10 1
                                    

KANNAGI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANNAGI

“Clyvedon, wala kaming ginagawang masama!” paliwanag ko, ang noo’t mga labi’y ’di mapakali, ang mga kamay ay tapon doon at tapon dito.

Rumehistro ang pagkadisgusto sa mukha ni Clyvedon. Kinuyom niya ang kaniyang mga palad at halos bumaon na talaga ang mga kuko niya roon. Mariin niyang isinara ang dalawa niyang mata. Makaraan ang ilang segundo, binuksan niya ang mga ito, nagpukol ng matalim na tingin, ’tapos nagpakawala siya ng hangin sa pamamagitan ng ilong. “Akala n’yo lang wala akong nakita. Pero mayro’n! Mayro’n!”

Dagling dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi kaya isang malutong na sampal ang kaniyang natanggap mula sa ’kin.

“Kann . . . Kann!” Bigla na lang nabasag na parang salamin ang senaryong binuo ng aking isip saka ang mga bubog nito’y unti-unting nabubura nang magsalita si Clyve. Lumilipad na naman ang isip ko; nag-i-imagine ng kung ano-ano. “Ano’ng nangyari sa ’yo? Is there something wrong? A penny for your thoughts.”

Gusto kong bigwasan ang sarili ko nang paulit-ulit. Jusko naman, Kannagi! Pilit ko na lang ininat ang aking mga labi sabay sabi ng, “W-wala. A-ano nga ulit ’yong sinabi mo kanina?”

“I just want to know kung bakit umiiyak si Rich.” Bigla na lamang umimpis ang tensyon sa paligid dahil sa pagkakataong ’to, pabulong na niya ’yong sinabi, malambing.

Bago pa man kumalat ang maling ideya sa isip niya, ibinuka ko na agad ang bibig ko’t nagsabi ng, “May sh-in-are siya tungkol sa buhay niya kaya siya naiyak.”

“Ah . . . oo, Clyve,” segunda ni Beast Mond—Rich. “’Di na rin ako magtatagal. May ibinigay lang sa ’kin si Kannagi. Aalis na rin ako. Bye!” Kumaway siya sa ’min habang nakainat ang mga labi at nakabalandra ang mapuputing ngipin. ’Tapos, tuluyan na rin niya kaming tinalikuran saka nilisan na niya ang mansyon, dahilan para maiwan kaming dalawa ni Clyve dito.

“Parang . . . parang may gusto kang sabihin sa ’kin.” Ako na ang nangahas na bumasag sa katahimikan sa pagitan namin.

“Ah, nag-message sa ’kin si Ma’am Rannos. Late na raw niyang na-realize na ’di raw niya tayo nasabihan na ang section natin ang mag-o-organize ng Photo Booth para sa Foundation Week na magsisimula ngayong Lunes.”

“P-photo booth?”

“Oo. Last year kasi, HUMSS din ang nag-handle.”

Foundation Week: magsasaya ang mga estudyante sa school ground. Photo Booth: maraming lalapit sa ’min para magpa-picture.

Bumuntonghininga si Clyve at kaagad akong nilapitan nang mapagtanto niyang marami nang sumalakay sa ’king isipan kahit ilang segundo pa lamang niyang binitiwan ang mga katagang ’yon. Hinawakan niya ang balikat ko ’tapos iniharap ang mukha ko sa kaniya. “Clear away those clouds, Kann. It’s okay. It’ll be fine. Nandito naman ako palagi sa tabi mo, eh. ’Di kita iiwan, promise . . .”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon