Episode 14 - Forced Proximity

239 9 2
                                    

KANNAGI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KANNAGI

Gemini:

Kann, nag-resign ka na pala sa WPBS?

You:

Oo, eh.

Gemini:

Why?

You:

Nabayaran ko na kasi ang utang ko kay Beast Mond.

Gemini:

Oh, I see.

Dumalaw ka pa rin sa bookstore.

Nakagawian ko na kasing tumambay roon.

You:

Sige, sige. Susubukan ko.

Pagkatapos kong i-send ang message na ’yon, in-off ko na ang cell phone ko at nakipagtitigan na lang sa kisame ng aking kuwarto. Kasalukuyan akong nakahilata. Mag-aalas-dose na ngunit ’di pa rin ako dinadalaw ng antok; dahil na rin siguro sa natuklasan ko kanina na hanggang ngayon ay ’di pa rin nawawala sa isip ko.

Dinako ko ang tingin ko sa picture na hawak-hawak ng kaliwa kong kamay. Pagkatapos, samot-saring kuwestiyon ang dumumog sa ’king isipan: Ano’ng mayro’n sa kanilang dalawa? Jowa niya ba ’to dati? Ex-girlfriend niya at may tsansang magkakamabutihan ulit sila? Crush? O baka naman ay kababata lang?

Mariin akong pumikit saka nagpakawala ng buntonghininga. Sa puntong buksan ko ang aking mga mata, ipinilig ko ang aking ulo, umaasang maiwawaksi ko ang mga tumatakbo sa ’king isipan.

Subukan mong magpokus sa kung ano lang ang lalabas sa bibig ng mga tao, ’wag kang mag-isip ng kung ano-ano, isip-isip ko, patuloy na kumakapit sa ’king mantra.

Pagkuwa’y sinungkit ko sa pamamagitan ng aking paa ang hawakan ng drawer na nasa paanan. Nanatili lang akong nakahiga sa kama ko. Ayaw kong bumangon, nakatatamad, parang tinakasan ako ng lakas. Nang mabuksan ko ito, inipit ko naman ang picture sa pagitan ng mga daliri ko sa paa saka inilagay sa drawer. ’Tapos, muli ko itong isinara sa tulong ng aking talampakan.

Muli, umiling-iling ako ’tsaka napatalukbong ng kumot.

* * * * *

Kinabukasan, katamtaman na ang sikat ng haring-araw nang marating ng mga paa ko ang Merryfield High. Sa labas pa lang, ramdam ko na ang nag-uumapaw na saya ng mga estudyante, at pati na rin ang mga inimbita nilang kaibigan. Breather na rin nila ’to; time-out muna sa mga schoolwork.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aming eskuwelahan ay siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso. Namamasa na rin sa pawis ang mga kamay ko. Hindi na ’ko makatingin nang diretso sa mga nakakasalubong ko; hindi mapirmi sa isang bagay ang buo kong atensyon kasi maraming tao sa paligid at pumailanlang ang ingay sa buong lugar.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now