Episode 7 - Detention Room [1/2]

470 22 5
                                    

A/N: Na-LSS talaga ako sa OST ng Weak Hero Class 1 sksksks. Dahil diyan, ’yan ang theme natin this episode.

Anw, there are inappropriate behaviors of the characters in this episode. Please do not imitate.

 Please do not imitate

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KANNAGI

Kumaripas kami ng takbo ni Cerri patungo sa Merryfield High pagkarinig ko ng masamang balita. Ngunit bago ko tuluyang nilisan ang bookstore kanina, sumigaw muna ako ng, “Gemini, ikaw muna ang bahala rito, ha!”

’Di ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya, pero wala na kasi akong ibang mapagpipilian, e.

Pagkatapos ng ilang minuto, narating na ng aming mga paa ang entrada ng aming eskuwelahan. May namataan kaming ilang estudyanteng papalabas na ng tarangkahan. Hinintay ko silang makalabas lahat upang makaiwas sa gitgitan. Napatingala ako sa itaas at nasaksihang nag-aagaw-buhay na ang araw.

Habang habol-habol ang hininga, nagawa kong magsaboy ng kuwestiyon kay Cerri: “N-nasaan sila?”

Sunod-sunod din ang pagbuga ni Cerri ng hangin. Kanina pa kasi siya tumatakbo, papunta sa tindahan ng mga libro at pabalik dito. “Nasa abandoned building sila. May binayarang maskuladong mga lalaki si Prim. Feeling ko, members sila ng Martial Arts Club. I don’t think kaya natin sila, Kann. We need to report them to the Anti-School Violence Commit—”

Hindi ko na pinatapos si Cerri sa pagsasalita at tumakbo na ’ko papunta sa sinabi niyang lugar. Isa lang ang alam kong abandonadong gusali, at matatagpuan iyon sa likod ng senior high building.

Walang-taros akong lumusot sa sira at kinakalawang na barbed wire. Tuloy, narumihan ang suot kong polo. Pinagpagan ko muna ito bago magpatuloy. ’Tapos n’on, sumugod ako sa malalagong damo. ’Buti na lang at khaki pants pa rin ang suot ko ngayon, dahil kung hindi, malamang ay nangangati na ang mga binti ko rito.

Nagparamdam sa ’kin ang namumuong pawis sa noo ko pero ’di ko ’yon inalintana at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ang tangi kong iniisip ngayon ay kailangan kong tulungan ang mga kaibigan ko.

Aminado naman akong ’di talaga tama ’yong ginawa ni Aneeza noong nakaraang Biyernes ng gabi, pero ’di dapat aabot sa ganito. Puwede namang idaan sa mabuting usapan. Ngunit kung ayaw nilang makinig, lalaban ako para sa mga kaibigan ko.

Makaraan ang ilang minutong pakikipag-away sa malalagong damo, sa wakas ay narating ko na rin ang harapan ng abandonadong gusali na may dalawang palapag. Dinumog na ng mumunting dumi na nagsama-sama ang buong paligid at saka namumutiktik ng bahay-anlalawa ang gusali. Sa pagkakaalam ko, dati itong TLE Building kaso nagpatayo sila ng panibagong building katabi ng event center at initsipwera na nila ang gusaling ’to sa ’di malamang dahilan.

“Tama na sabi, e! Nag-sorry na nga ako, ’di ba? Ano pa ba’ng gusto n’yo?”

“Just beat them to a pulp!”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now