Episode 3 - Enemyship [2/2]

910 26 4
                                    

KANNAGI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANNAGI

“Maganda rito, ’no?” bulalas ni Soichi. “Sabi sa inyo, e.” Ikiniskis pa niya ang dalawa niyang palad, kating-kati nang matikman ang mga in-order namin kani-kanina lamang.

Kasalukuyan kaming nakapuwesto sa isang habilog na mesa na malapit sa labas. Dahil bagong bukas itong Grossi, dinagsa ito ng maraming estudyante; karamihan ay na-curious sa pangalan ng kainan kaya sumugod dito (kabilang na ro’n si Soichi).

Pagoda na ang katawang lupa ko today. Matagal pa ba ’yong order natin? Anong petsa na?” nakapangalumbabang wika ni Aneeza habang may nginunguyang bubble gum, halatang nabuburyo na.

Bumuntonghininga si Soichi. “Alam mo, Aneeza . . .” At dinaldal niya nang dinaldal ang kaibigan namin hanggang sa unti-unting naglalaho ang inip at pagod sa hitsura nito.

Hindi ako humalo sa kanilang usapan. Habang nagdadaldal sila, kinuha ko na lang ang dala kong libro: Claws in the Closet. ’Di ako pamilyar sa author, pero ang penname niya ay L. J. Ramos. Binuklat ko ang libro at nag-umpisang magbasa. Umiikot ang kuwento sa dalawang lalaking nagkaibigan: ang isa’y bampira, samantalang mortal naman ’yong isa.

Makaraan ang ilang minuto, dumating na rin ang order na pinakahihintay nina Soichi at Aneeza: chiffon cake, banana milkshake, at saka vanilla ice cream. Nagkorteng parang puso ang kanilang mga mata sabay kiskis ng kanilang mga palad. Subalit nagulat kami kasi may pahabol pa si ateng nag-serve. Inilahad niya sa ’min ang maliliit na lalagyang may takip—na ikinakunot ng aming noo—at saka niya sinabing, “Pumili kayong tatlo. Ito ang twist na sinabi namin sa inyo kanina.”

Hindi nagpatumpik-tumpik si Soichi at agad niyang itinuro ang kulay berdeng lalagyan. Binuksan ito ni ate, at natutop ni Soichi ang bibig niya nang makita ang laman.

“Chiffon cake with . . . bagoong,” nakangiting saad ni ate. Agad niyang ipinatong sa cake ang laman at gamit ang dala niyang spatula, kinalat niya ang bagoong sa paligid ng cake.

Natanaw kong nagtaas-baba ang Adam’s apple ni Soichi. ’Tapos, hilaw siyang ngumiti; ’yong ngiting may halong pagsisisi.

Sabi na, e. Pangalan pa lang ng kainan, Grossi, hindi ko na gusto.

Sunod na pumili si Aneeza. Nanginginig pa ang kamay niya habang itinuturo ang asul na lalagyan. Pinihit niya ang ulo niya sa direksyon namin. “Guys, lipat na lang kaya tayo sa iba? Tomjones na ’ko, pero ’di ko ’ata keri ’to,” bulong niya, nagmamakaawa.

“Banana milkshake with . . . toyo,” pagpapatuloy ng nag-serve sa ’min habang ’di pa rin napapawi ang ngiti niya sa labi. Binuhos niya ang toyo sa milkshake, at pagkatapos, inutusan niya si Aneeza na haluin ito nang maigi gamit ang matabang straw.

Nginitian niya si ate ’tapos muli niyang dinako ang tingin niya sa ’min. “Soitchy, Kannkong, tama ba ’tong pinasok natin?” anas niya, bakas na bakas ang disgusto sa kanyang hitsura. Kasalukuyan niyang hinahalo ang toyo sa banana milkshake.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon