CHAPTER 1

71 1 0
                                    

Ainsley Corpuz's POV

*Alarm clock ringing...

Halos hindi ko pa maidilat ang mga mata ko habang kinakapa ang alarm clock sa lamesang tabi ng kama ko.

4:30 am.

First day of class. First day of being a college student.

Sinong hindi kikiligin? Kyaaaah! Excited na 'kong makakita ng pogi---- este mag-aral!

Ang hirap maging estudyante. Iyon palang paggising mo sa umaga ay pahirapan na. Nakakatamad bumangon, parang nakadikit ang likod ko sa kama.

Send help, guys! Huhu.

Ano bang pampagising niyo sa umaga? Pa-reveal naman nang hindi ako araw-araw mahirapan sa pagpasok sa school.

Morning class be like. Gigising ng 4:30 am para maghanda sa 7:00 am na klase. Don't be mad, kulang pa ang tatlong oras sa pag-aayos ko palang. Imagine, 20 minutes ka munang tutulala, 35 minutes sa pagligo, hindi pa kasama bihis ng uniform nun ah. 30 minutes naman para magluto at kumain. Let say 30 minutes kang mag-light make-up at mag-ayos ng buhok. Syempre include mo na 'yung pag-cellphone. Not but not the least, change into my school uniform na. Then the last five minutes ang pagtingin mo sa salamin.

Ugh! Hirap maging babae! As in!

Yung tipong gusto mong gawin yung mga bagay na 'yon ng mabilis pero ayaw naman ng katawan mong makisama.

Hayss. What a life!

Nang matapos ko na lahat ng morning rituals ko ay naglakad na ko patungong highway at naghintay ng tricycle.

Time check. 6:35 am. Need mo talaga maglaan ng 30 minutes sa kalsada incase na hindi ka makasakay agad. Swerte mo na lang kung ang masakyan mo ay byaheng langit, 'di ka talaga male-late no'n.

Isang mahabang pila naman ang naabutan ko nang makarating ako sa school. Need kasing icheck ang bag bago ka makapasok sa loob for safety purposes. Of course, don't forget your ID.

Natataranta na 'ko dahil five minutes na lang ay male-late na 'ko. Ito yung nakakatawa, yung sobrang aga mong gumising but at the end late ka pa rin. What's the lesson here? You know that already! Hmp!

"Good morning, po. " masaya kong bati sa guwardiya habang chini-check niya ang loob ng bag ko.

"Good morning. " nakangiti niyang bati pabalik.

Always start your day making someone smile or happy. Ganito talaga ko, mahilig bumati sa mga school staffs. Masarap kasi sa feeling na alam nilang may nakaka-appreciate sa mga ginagawa nila for us.

So balik na nga tayo sa pagka-late ko. Three buildings away pa ang kailangan kong takbuhin para lang magpang-abot ako sa first class ko.

Unang araw, late agad! Jusme kung alam kong lang mangyayari 'to sana alas-tres ng madaling araw na lang ako nagising.

Takbo-lakad na ang ginawa ko. Hawi sa buhok tapos takbo ulit. Iyong mga kasabayan ko maglakad ay napapatingin na lang sa pagmamadali ko. Siguro iniisip nila, 'Ayan, late pa more. '

Oo na kasalanan ko na!

Huhuuu, sino bang may gusto na malayo ang room ko?

"Good morning, sir. Sorry I'm late. " Kinakabahan kong bati nang makarating sa tapat ng pinto ng classroom ko.

"Please, sit down. " Tumango siya at tinuro ang bakanteng upuan.

So sinong swerte ngayon? Nasa'kin pa rin ang korona.

Pagkaupo ko ay nilibot ko agad ang paningin ko. By the way, I'm a BSBA student major in hindi-ko-pa-alam. As a first year college, general pa lang ang pag-aaralan namin. Ang sabi ay third year pa namin malalaman ang magiging major namin kapag nakapag Battery Exam na kami. It's either sa Marketing Management or Finance Management kami mapupunta.

My College FantasyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ