CHAPTER 5

19 1 0
                                    

Linggo ngayon at maaga akong nag-ayos upang magsimba. Inaya ko ang dalawa kong kapatid at mabuti na lang ay sumama sila. Si Mama kasi ay maaga ring umalis upang pumunta sa kaibigan niya na medyo matagal niya na ring hindi nakikita. Rest day naman ngayon at masaya ako dahil walang assignments na binigay ang mga prof ko.

Pagkatapos magsimba ay natungo lang kami saglit sa National Bookstore dahil may kailangan daw bilhin ang kapatid ko. Nakakatuwa lang dahil alam kong nagtitipid sina Ashley at Asher. Siguro ay naiintindihan nila ang sitwasyon namin. Hindi naman sa gipit kami sa pera pero wala namang masama kung magtitipid ka in case of emergency.

"Maligo kayo ah, magluluto lang ako ng tanghalian. " Sambit ko nang makauwi kami ng bahay.

Ate's duty muna tayo ngayon, ay every Sunday pala kong ate's duty. Hinahayaan kasi kami ni Mama buong araw sa bahay. Tuwing Linggo kasi ay hapon siya umuuwi at kami ang naiiwan sa bahay. Diskarte na naman kung anong lulutuing ulam dahil marami namang stock na lulutuin. Hindi talaga si Mama umaalis ng bahay hangga't hindi nasisigurong maayos ang lahat.

Magluluto ako ng Sinigang na Baboy. Matagal na rin kasi nung huli kaming nag-ulam nito tsaka namimiss ko ring ulamin 'to. Masarap akong magluto noh! Sanayan lang kasi 'yan.

Nang makaluto ay tinawag ko rin agad ang mga kapatid ko upang sabay sabay kaming magtanghalian. Habang kumakain nga ay pinag-iisipan ko kung anong pwede kong gawin ngayong Linggo. Paniguradong nababagot na naman ako sa kwarto ko buong araw. Need ko na talaga maghanap ng bagong pagkakaabalahan. Hayss.

Schedule ngayon ni Asher maghugas ng pinggan. Magkatulong naman kami ni Ashley maglinis ng lamesa at iba pang ginamit ko sa pagluluto. Kami lang ba ang may schedule sa paghuhugas dito? Ahahaha.

Matapos kong magawa ang ilan sa gawaing bahay ay pumasok na ako sa kwarto ko upang magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko upang mag-browse ng Facebook. Sa totoo lang hindi ko talaga need ng Facebook kung hindi lang dahil sa mga GC ng bawat subjects. Kung wala ang mga iyon ay talagang aamagin ang inbox ko.

Nanonood lang ako ng mga random videos sa Facebook. Doon ay lumipad na naman ang isip ko sa nangyari nung nakaraan. Remember nu'ng nakita kaming magkasama ni Dash ng mga kaibigan niya. Akala ko ay katapusan ko na nung mga oras na iyon. Kabado talaga malala!

Hiningi pa nga ang number ko pero hindi ko binigay. Hindi naman sa choosy ako pero I don't even know him! May karapatan naman akong mag-inarte noh! Lalo na kung stranger ang manghihingi. Tss!

Umalis din naman ako agad nung sabihin ni Dash ang name ko sa kanila. Hindi ako nag-walk to clarify things, syempre nagpaalam ako na uuwi na ko. Ano pa bang gagawin ko kasama sila eh halos matunaw ako sa mga tingin ng mga kaibigan ni Dash. Hindi ko alam kung jina-judge ba nila ako dahil suot ko ang sweater ni Dash or dahil alam nilang may girlfriend si Dash ngunit ako ang kasama na isang babae.

Oo nga naman. Kahit sino ay mag-iisip ng masama kung makita ang tropa mong may ibang kasamang babae at suot pa talaga ang damit nito. Hayss! Hayaan niyo na. Kinalimutan ko na nga eh.

Hayss.

Wala sa sariling napaangat ako ng tingin sa sweater ni Dash na naka-hanger sa dingding. Nalabhan ko na ito noong nakaraan pa pero hindi ko pa rin nababalik.  Tatlong araw ba ang nakalipas. Hindi ko rin naman siya nakikita at pinag-iisipan ko kung ibabalik ko pa ba.

Akin na lang siguro yung sweater niya. Remembrance lang. AHAHAHAHAHA. KIDDING!

Dash. Dash. Dash.

Tsk! Tsk! Tsk!

Umiling ako sa aking kabaliwan. Wala na, malala na 'ko. Need ko na talaga siyang kalimutan at mag-move on kahit hindi naman naging kami. Sino ba naman ako sa kanya. Mabuti pang kalimutan ko na lang na nag-eexist siya para na rin sa sariling kapakanan ko. Lalayo ako dahil baka ma-issue ako sa BSU na mang-aagaw ng boyfriend. Lalayo na talaga ko. Promise! 'Di ko na siya iisipin palagi. Hindi na!

My College FantasyWhere stories live. Discover now