CHAPTER 14

23 1 0
                                    

"May gusto ka ba sa'kin, Dash? " matapang kong tanong.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob upang tanungin siya. Bigla na lang iyon namutawi sa bibig ko. Gusto kong tumakbo sa harapan niya. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan.

Pero ano pa nga ba. Nasabi ko na. Ngayon ay kailangan ko itong panindigan.

Matapang akong tumitig sa kanya upang makita ang reaksyon niya. Seryoso siyang nakatitig sa'kin. Sinuklay niya ng kamay ang kanyang buhok. Tila naghahanap siya ng salitang ibabato sa'kin.

"Yes, I like you. " seryoso at buo ang loob niyang sambit.

Natigilan ako. Tila nawalan ako ng boses para sagutin siya. Naestatwa ako ng literal.

"You got my attention ever since when we were in the canteen. You have the most beautiful smile. "

Nautal ako. "You are kidding me. "

Umayos siya ng upo at mas lalong humarap sa'kin. Hindi ko na alam ang kung anong reaksyon ang ibibigay ko sa kaniya. Batid ko ring namumula na ang mga pisngi ko dahil sa mga sinasabi niya.

Nauubusan ako ng hininga.

My ghad!

"No. Gusto kita, matagal na. I'm sincere here. "

Naghanap ako ng hangin. Hindi ko makayanan ang nangyayari ngayon.

Akala ko ay magkakape lang kami. Yun lang. Pero ba't may paganito? I'm not prepared!

"D-Dash--- "

"Don't worry, you don't need to answer me right now. I just let you know how I felt for you. I think this is the right time to say this. "

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko mahanap ang biro sa sinabi niya. Napaka-sincere nito.    Grabe! I can't believe this is happening!!

PABAGSAK akong humiga sa kama. Tumingala ako sa kisame ng kwarto ko. Hanggang ngayon ay nagpaulit ulit pa rin ang mga sinabi ni Dash sakin. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko ini-expect na magtatapat siya sa'kin. Ni hindi ko nga alam na may gusto din siya sa'kin.

Hindi ko muna pinaalam sa kanya na gusto ko rin siya. Kailangan kong mag-ingat dahil baka maulit ang nangyari samin noon ni Jasper. Kung si Dash ang gagawa sa akin non ay baka hindi ko na kayanin. Siya pa naman ang first crush ko sa campus.

Bumuntong hininga ako sabay pinikit ang aking mata. Umulit na naman ang boses ni Dash sa utak ko. Hindi na ako nakapagpigil at nagpagulong-gulong na sa aking kama. Hindi naman masamang kiligin diba?

KINABUKASAN ay nag-ayos ako ng bongga. Bigla kasi akong naging conscious sa itsura ko lalo pa't nagtapat sa'kin si Dash na gusto niya ako. Kailangan kong magpaganda lalo. Kidding!

Start na ng klase. Tapos na ang masasayang araw ng mga freshies, syempre kami rin. Heto ako at tamad na nakikinig sa lesson ng teacher namin. Tanging pag-scrabble lang ang ginagawa ko sa notebook ko.

"Ley! Tawag ka ni ma'am. "

Napatalon ako nang kalabitin ako ng kaklase ko. Napaangat ako ng tingin kay Ma'am na ngayon ay nakatingin sa'kin. Hindi naman siya mukhang galit pero papunta na doon ang itsura niya.

Mabilis akong tumayo. "Yes po, ma'am? " natataranta kong sabi.

"I'm asking, what is the strategic formulation? Based on your opinion. "

Napalunok ako sa kaba. Si ma'am naman nambibigla! Nag-isip ako ng sobra, at himalang may pumasok sa utak ko.

"Ma'am, I believe strategic formulation is like analyzing the organization's external and internal environments and then selecting appropriate strategies. " paliwanag ko.

My College FantasyWhere stories live. Discover now