CHAPTER 7

24 1 0
                                    

"Hi, I'm Leo. "

"Who? "

"I'm Leo, Dash's friend. Pinakiusapan ko siyang hingin ang number mo. I'm the guy na nakita kayo sa labas ng mall. I became interested in you. "

Kahit sa klase ay ume-echo ang boses na iyon. Hindi ko alam mararamdaman ko kung dapat bang kiligin dahil may nagkainteres sa'king lalaki.

Napahilamos ako at wala sa sariling binaboy ng ballpen ang aking notebook. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong umakto ng ganito gayong wala naman kami ni Dash.

Walang kami!

Wala ...

Pero bakit ang bigat ng loob ko. Dahil ba hindi siya yung ine-expect kong tatawag sa'kin?

Nakakainis lang. Ang dali niyang binigay sa iba yung number ko. Hindi man lang niya naisip kung magagalit ba ako.

"Ley! Lutang ka for today's episode ah! " natauhan lang ako nang alugin ako ni Kai.

Napagdesisyunan kasi naming tumambay sa butterfly garden ng campus. Hindi naman masyadong mainit, sakto lang ang weather.

"May iniisip lang. " tamad kong sagot.

Naupo kami sa bench na hugis butterfly. Sina Herlyn at Estes ay panay selfie dahil hindi nga maikakailang maganda at nakakabusog sa mata ang tanawin.

"Sus! Sino 'yan ah? Ikaw ah, 'di ka nagkukwento. "

"Wala. Hindi naman importante. "

"Hindi raw pero kung makapag-emote kanina sa klase. "

"Shh! I need peace of mind. " natatawa kong wika. Sakto namang tinawag siyang nung dalawa upang gawing photographer.

Doon ay napatulala na naman ako. Ayoko na sana isipin yung pagtawag sa'kin ng taong hindi ko naman kilala kaso naiisip ko pa rin. Alam ko sa ibaba mababaw lang kinakatampo ko, pero iba din talaga pag nag expect ka na siya iyon.

"Ley! "

Muli na naman akong natauhan nang tawagin ako ni Kai. Nilingon ko siya at nakitang may tinuturo siyang guy na papalapit sa akin. Kinabahan agad ako nang makita ang mukha ni Jerick, yung guy na nagbigay sa'kin ng payong.

My ghad!

"Hi, Ley! " bati niya nang tuluyang makalapit sakin.

Walang paalam siyang naupo sa tabi ko. Enough lang na hindi kami nagdidikit ng sobra. Narinig ko na naman ang pang-aasar ng mga kaklase ko. Tss.

Umayos ako ng upo at pilit ang ngiting humarap sa kanya.

"Kukunin mo na payong mo? " tanong ko.

Ngumiti siya dahilan para lumitaw ang dalawang dimples sa kanyang pisnge na hindi ko napansin kahapon na meron pala siya. Gwapo. Legit.

"Dala mo ba? " maloko niyang sagot.

Sumimangot ako. "Hindi e. "

"Joke lang. Gusto lang talaga kitang makita. " sambit niya sabay kumindat.

Nahuli niya ko do'n ah!

"Baliw. "  sa maliit na boses kong turun.

Argh! This guy! Marunong magpa-fall! Alam kung paano mahuhuli ang kiliti ng babae! Grabe ba.

"Anyways, how was your day so far? "

"As usuals. " naningkit ako nang may nahalata. "Wait, close ba tayo? " mataray kong tanong.

"Aba syempre, I'm your future boyfriend. " confident niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Bigla akong napaiwas ng tingin at naramdamang uminit ang magkabilang pisngi ko. Jeez! What's happening to me?

My College FantasyWhere stories live. Discover now