CHAPTER 3

20 1 0
                                    

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa gayong nakita ko na naman si Dash kanina sa waiting shed ng school kasama ng mga kaibigan niya. Mabuti nga at hindi ko nakita 'yong girlfriend niya 'di tulad kahapon sa Timezone.

Naguguluhan talaga ako sa lalaking 'yon! Dalawang beses niya ng ginawa ang titigan at ngitian ako. Anong trip niya? Pinapaasa niya lang ata ako e! Hmp!

Hindi kaya ako nakatulog kagabi dahil iyong ngiti at titig na naman ni Dash ang nakikita ko tuwing pipikit ako. Ganito ba pag nagkaka-crush. Ba't parang ang lala ng kaso ko. Huhu.

Sa klase ay nagpa-dismiss lang ng maaga 'yong prof namin sa Elective, orientation week pa lang naman kaya busy sila para ma-finalize na ang mga enrolled students sa subject nila.

Nagpasiya kaming apat na tumungo muna sa gymnasium upang manood ng volleyball. Hindi naman laban, katuwaan lang ng ilang students.

Naupo kami sa bleachers sa pangalawang row. Hindi masyadong crowded sa loob ng gymnasium ngayon.

"Ay gaga! 'Wag 'yon! Masyadong weird ang lalaking 'yon! "

"Ba't naman? Ang gwapo-gwapo! Third year na 'yon 'di ba? "

"Ewan! Ano nga ulit name? Flash? AHAHAHAHAHA! "

"AHAHAHAHA! Baliw ka talaga! Dash Arevalo! 'Yung mahaba buhok na nakasalamin! "

"Kaya nga! Naku, ayoko do'n ! 'Wag siya! Sinasabi ko sa'yo! Taken na si Dash na 'yan! "

May ilalaki pa ata 'tong tenga ko nang marinig ang pangalan ni Dash. Lumingon ako sa likod at nakita ko nga ang tila mga freshmen students din kagaya ko.

Psh! Pa'no nila nakilala si Dash? Ang daming pogi sa BSU, sa kanya pa kayo natapat ng topic. Hmp!

Pero talaga ba? Third year college na si Dash? Eh anong course niya?

Medyo umusog ako upang mas mapakinggan pa 'yung dalawang girl na nagku-kwentuhan. Pero mukhang hindi na si Dash ang topic nila kaya umayos na 'ko ng pagkakaupo at wala sa sariling humarap sa mga kaibigan ko.

Tss! Hindi naman ako mukhang interesado sa lagay na 'to ah. Pero bakit ba nila pinag-uusapan si Dash. Tsk!

"Nakakabagot naman. Pwede na bang umuwi? Wala naman tayong ginagawa e. " nakangusong wika ni Herlyn.

"May isa pang sub 'diba? 20 minutes pa bago magsimula. " si Kai na tumingin pa sa wristwatch niya. "Sali na lang tayo ng volleyball! " dagdag pa nito.

"Di ako marunong. " sagot ko naman.

"Marunong ako! " si Estes na nakataas pa ang kamay. "Lika na Ley, turuan ka namin. " hinatak niya ang kamay ko upang sumama sa kanila.

"Hindi nga ako marunong. "

"Kaya nga tuturuan ka namin e. Para lagi na 'kong magdadala ng bola. Two versus two tayo. "

"Nakakahiya. 'Di pa nga nila alam na sasali tayo. " turo ko sa dalawang naglalaro ng volleyball.

"Hindi 'yan, akong bahala! Lika na! "

Sumuko na lang ako dahil sa kulit nila. Gusto nila akong isali eh ano namang alam ko sa volleyball. Mukhang madaling laruin pero mahirap at masakit sa braso.

"Yung kamay mo gan'to dapat. " wika ni Kai. Pinakita niya sakin 'yung kamay niya kung paano ang tamang position.

Ginawa ko naman at naglakad na kami para itanong kung pwedeng sumali sa laro nila.

"Sige 'te, kayo muna. Pahinga lang kami. " sambit nung may-ari ng bola tsaka inabot iyon kay Herlyn.

"Ay thank you po. "

My College FantasyWhere stories live. Discover now