CHAPTER 11

17 1 0
                                    

Third Person's POV

Alas onse ng gabi nang magkayayaang mag-bar ang mga tropa ni Dash. Saktong kunpleto silang magkakaibigan sa condo ni Dennis, isa sa kaibigan ni Dash. Minsan lang sila maging kumpleto kaya nilubos na nila.

Sa isang bar na isang oras ang layo mula sa condo ni Dennis sila napadpad. Sikat ito sa lugar ngunit unang punta pa lang nila rito. Bumaba silang lima sa grab at nagtatawanang dumiretso sa bar.

Pagpasok pa lang ay dinig na nila ang tugtog. Napakaingay. Nakakahilo ang ilaw ngunit sanay naman sila sa ganoon. Pinasadahan nila ang mga lasing at wasted na naroon.

Kumuha sila ng table na tanaw ang crowd. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang order nilang alak. Sinimulan agad nila ang masayang inuman.

Sa kabilang banda, napapapikit sa hapdi si Dash habang nilalagok ang matapang na alak. Tumatama ang shot glass sa papahilom niyang sugat sa labi. Bawat tagay ay may pinanghuhugutan.

"Valerie! "

Nagulat ang apat sa malakas na sigaw ng isa  nilang kaibigan. Napunta ang atensyon nila sa babaeng papalapit sa kanila.

Maganda at sexy. May katangkaran.

"Kanina pa kayo? " tanong nito nang makalapit.

Walang pakielam si Dash sa dumating at muling nilagok ang pang-anim na niyang baso. Nilalaro niya sa kanyang kamay ang singsing na suot sa hinliliit.

"Just got here. Ikaw? "

"Pauwi na! "

Pinanood ni Dash sumimangot ang kaibigan. Pinipilit pa nitong huwag muna umuwi ang babae pero hindi rin napilit. Bumalik naman silang lima sa naputol na usapan.

Hindi masyadong madaldal si Dash. Magsasalita kapag tinatanong lang nila. Seryoso siyang inayos ang salamin sa mata. Ang relo niya naman ngayon ang kanyang nilalaro. Nag-eenjoy na siya sa part na 'yan. Natutuwa rin siya sa mga taong lasing na lasing na at sumasayaw ng awkward sa dancefloor.

Bumilis ang oras. Nakatatlong bote na sila ngunit nasa katinuan pa rin. Napunta kay Dash ang usapan. Hinintay talaga nilang magkaroon ng tama ang lahat bago pag-usapan si Dash.

Alam kasi nilang hindi ito nagkukuwento. Kailangan pang may bote ng alak kapag gusto mong malaman ang nangyari sa araw niya. Lalo na ngayong may galos siya sa mukha. Curious sila sa nangyari sa kaibigan.

"Sa wakas pumapag-ibig na ulit si Dash The Great! "

"Bro, who's the lucky one, huh? "

Tanging kay Dash lang ang atensyon nila. Matagal bago ito sumagot. Ngumiti siya at napailing bago nag-angat ng tingin sa mga kaibigan.

"My schoolmate. " tipid niyang sagot.

Naghiyawan ang mga kaibigan niya. Napasuntok pa ang isa sa braso ng katabi. Masaya sila para kay Dash. Alam nilang bihira magkainteres si Dash sa babae. Paano'y hindi naging maganda ang experience niya sa naunang girlfriend kaya sobrang tagal bago nila mahuling meron na itong kinahuhumalingan ngayon.

"What's her name? "

Lumagok si Dash sa basong hawak. "Secret. "

"Oh c'mon! Tayo tayo lang nandito oh. "

"Umamin ka na ba? Kumilos ka na bro baka maunahan ka pa ng iba. "

Umismid si Dash. Lumalim ang iniisip. "Asawa nga naagaw eh. " pabiro niyang sabi.

Muling naghiyawan ang mga kaibigan niya. Natawa rin siya sa nasabi.

"Yun naman pala e! Ano na bang real score between you and her? "

My College FantasyWhere stories live. Discover now