CHAPTER 2

22 1 0
                                    

Nagpagulong-gulong ako sa kama nang makauwi ako galing school. Hindi man makapag-concentrate sa dalawa pang natirang period class ay nairaos ko naman kahit papano.

Baliw na lang ata ang hindi kiligin sa ginawa ni Dash kanina. Omg! Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa akin ang kanyang nakakatunaw na titig at nakabibighaning ngiti.

Aaackkk!

I feel like I'm floating in the air! Kyaaaah!

How can I sleep tonight? Sa tuwing pipikit ako ay mukha niya ang naiisip ko.

'Yung ngiti niya....

'Yung titig niya....

Kyaaaaahhhhhhhh!

Halos makusot na ang bedsheet ko kakagulong. Tanging hagikgik ko lang ang maririnig sa kwarto ko with padyak effect pa. Omg! Kung hindi niyo pa naranasang kiligin, ewan ko na lang. Oh c'mon! Alalahanin niyo yung mga taong nagpakilig sa inyo para may karamay ako dito.

Ahem.

9:12pm. Hindi pa rin ako makatulog. Tumatakbo ang isip ko sa kung anong mangyayari bukas. Wala sa sarili akong napangiti. Iyong bigla ka na lang mapapangiti dahil naalala mo siya.

Omg!

This is not normal anymore!

Send help, now!

Bumangon ako at kinuha ang aking cellphone sa side table. Nagtungo ako sa Facebook app at mabilis na tinipa ang pangalang Dash Arevalo sa search bar. Mala-spy ako sa pag-scroll dahil hindi lang siya ang may ganoong pangalan.

"Wala ba siyang Facebook? " tanong ko sa sarili.

Umiling ako at sumukong ibinaba ang cellphone ko nang hindi ko mahanap ang Facebook account niya.

What a mysterious guy...

Hmm..

"Sa Instagram kaya! "

Muli kong kinuha ang cellphone ko at tumungo naman sa Instagram app. Don't blame me, guys. Hindi lang ako ang gumagawa ng ganito sa tuwing nalalaman ang name ng crush nila. Aminin niyo, kayo rin kaya! Yieeeeee!

Nag-scroll akong muli at minukhaan ang mga lumabas na results. Kumunot na ang noo ko nang hindi ang mga iyon ang hinahanap ko. Walang long-haired guy na naka-salamin.

Nawawalan na ko ng pag-asa. Sinubukan ko na rin sa Twitter ngunit wala. Hmp! Need ko pa ng seminar sa pang-istalk.

Kinatulugan ko na ang paghahanap sa social media account ni Dash. Tatanungin ko na lang siya if ever na makita ko siya ulit. Wow! Kidding aside here! Ako? Magtatanong ng account niya? Duh! Ni pangalan niya nga ay sa iba ko pa nalaman. Nakakahiya kaya! Wala akong lakas ng loob para sa mga ganoong bagay.

Kinaumagahan ay mabilis na akong nag-ayos. Ayoko ng ma-late 'no! Baka pag-initan ako ng first period classes ko tuwing umaga.

"Kai! " Sigaw ko nang makita si Kai mula sa malayo.

Lumingon ito at ngumiti sa'kin. Huminto siya upang hintayin akong makapunta sa kanya.

"For real na talaga ang class today. Sana puro orientation na lang hanggang sa maka-graduate tayo! " Nalolokang wika ni Kai.

Tumawa ako at bahagya siyang hinampas. Mahina muna at second day pa lang. Tsaka na natin lakasan next week. AHAHAHAHAHAA.

"Loka! Puro orientation lang daw this week. Next week pa official start ng class. " Natatawa kong sabi.

My College FantasyWhere stories live. Discover now