CHAPTER 12

19 1 0
                                    

Ainsley's POV

MONDAY at need naming mag-PE uniform dahil nga may activity kami sa subject na 'yon. Dalawang subject lang ang meron kami ngayon at halfday din. Mukhang makakagala mamaya ah.

Nagtungo kaming buong section sa gymnasium. Lahat kami ay curious sa kung anong gagawin namin ngayon. Excited din at the same time.

Pinag-warmup muna kami ni sir. Kanya kanya kaming puwesto para maunat ang katawan namin. Lahat ng alam kong stretching ay ginawa ko na para lang hindi mabigla ang katawan ko sa gagawin mamaya.

Matapos ay pinaupo muna kami sa bench habang si Sir ay busy sa binabasa sa paper. Binangga ni Kai ang balikat ko kaya napabaling ako sa kanya. May tinuro siya sa dulong parte ng gymnasium kaya napatingin ako doon.

Si Jasper ay nandoon. Ngumiti ako at kumaway. Nag cutting class na naman siguro siya. Pasaway talaga.

"Okay, class! "

Napatingin kaming lahat kay Sir. Hinayaan ko na si Jasper na panoorin kami.

"Make two lines! Ilan kayo sa klase? "

"42 po! "

"Group yourselves into 21! Faster! " sambit ni Sir at pumito.

Mabilis naman kaming gumalaw sa kinauupuan namin. Kaming apat ay hindi naghiwalay. Medyo magulo ang hatian pero sa dulo ay naayos din.

Nakapila na kami at muling hinintay ang instructions ni Sir. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka hindi ko kayanin ang gagawain namin.

"Okay! Listen! Isang beses ko lang sasabihin ang gagawin! " Tumahimik kaming lahat. Naglabas si Sir ng pulang panyo, ipinakita niya ito sa lahat. "Simple lang! We have two teams here, right? "

"Yes, sir! "

"Maghaharap kayong lahat, hindi sobrang lapit. Ten feet away! Are we clear? "

"Yes, po! "

"I'll be in the middle holding this scarf! Simple lang ang gagawin niyo! Two teams, ilalaylay ko lang ang panyo, paunahan kayong makuha ito sa kamay ko. Note! Pwedeng mang-agaw sa unang team na nakakuha pero by the time na nakarating na siya sa line nila, hindi na pwede. Understood? "

"Yes, po. "

"Sir, I have a question. " tanong ng isa naming classmate.

"Go ahead. "

"Kahit sino po sa'ming team yung kukuha ng panyo? "

"Yes. Pero sa isang team, isang tao lang pwede lumapit sa'kin para hablutin ang panyo. Is that answered your question? "

"Yes po sir, thank you po. "

"Okay class, listen! Count one to twenty-one at kung anong number matapat sa inyo ay yun ang number niyo. Random akong magtatawag, example. Sinabi kong three, yung dalawang three both team lang ang maglalaro. Maliwanag? "

"Opo! "

Nagsimula na nga kaming mag headcount, pang-seven ako. Start na. Magkatapat kaming magkalaban. 21 laban sa 21. Si Sir ay pumuwesto na rin sa gitna at nilaylay na ang panyo.

"Ready! Thirteen! "

Naghanda na kaming lahat. Pumito si Sir hudyat na simula na. Nagpakiramdaman kaming team kung sino ang kukuha. Syempre nagbabalak din yung kabilang team pero mas competitive kami.

Sa kabilang team ay may nagtangka nang humabol, their own number thirteen. Syempre hindi nagpatalo ang thirteen namin at biglang kumaripas ng takbo. Walang anu-ano'y hinablot niya ang panyo kay sir at tumakbo sa base namin. Naghiyawan kaming lahat. Tuwang-tuwa sa nangyayari.

My College FantasyWhere stories live. Discover now