CHAPTER 4

20 1 0
                                    

Pari't parito ko sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapakali. Yung utak ko kanina pa tumatakbo. Hanggang ngayon nga ay kinakabahan pa rin ako. Halos magdugo na ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko.

Ewan!

Kabado ako. Eh paano! Bukas na agad kami magkikita ni Dash. Hindi date noh! Papalitan ko lang 'yong salamin niya sa mata. Kailangan kong mapalitan 'yon dahil ayokong magkaron ng atraso sa ibang tao. Lalong-lalo na kay Dash Arevalo!

Si Dash 'yon e! Si Dash!

Omg!

Nagtungo ako sa closet ko upang maghanap ng susuotin para bukas. Free naman kaming  magsuot ng kahit ano basta huwag lang revealing. Napahawak pa ako sa ulo ko habang pinag-iisipan kung anong magandang suotin para bukas. Hindi naman sa nagpapaganda ako para kay Dash! Ano ba kayo! Gusto ko lang magmukhang presentable sa harap ng maraming tao.

Ginulo ko ang buhok ko nang walang mahanap na susuotin. Itong mga damit ko sobrang gasgas na sa dami ng beses ko ng naisuot. Wala na bang bago? Nagmumukhang uniform na 'tong mga damit ko dahil paulit-ulit ko na lang sinusuot kada aalis. Though wala namang masama mag-ulit ng damit pero gusto ko naman yung bago sa mata.

Teka!

Mabilis akong pumunta sa kama ko at dumapa. Kinapa ko ang malaking kahon sa ilalim nito. Bigla ko kasing naalala na mayroon akong mga pang-alis na damit na nakatago doon. Ako mismo ang nagtabi kaya naalala ko.

Nakangiti kong nilabas ang mga nakatuping damit ko. Iyong tatlo ay bago pa at natatandaan kong regalo ng mga kaibigan ko last year, iyong iba ay galing sa exchange gift noong Christmas party.

Tignan mo nga naman! Sinuswerte nga naman si Ainsley ngayong araw na 'to. I'm not into dress kaya panay tops ang mga ito. The one that caught my attention is the maroon lettuce crop top. Walang print yet look so cute and chick! Oh diba! Instant prepared na ang ate niyo!

Nangingiti ako habang nakahiga. Napagdesisyunan ko ng magpahinga ng maaga dahil ayokong magmukhang sabog bukas. Excited ako! Super excited! Sinong hindi maeexcite, aber? Magkikita lang naman kami ni Dash Arevalo!

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Si mama ay naabutan ko sa kusina at abalang naghahanda ng almusal. Fried rice, fried eggs, pritong tuyo with talong. Yummy!

"Ano pang kulang sa gamit mo, Ley? " tanong ni mama habang kumakain kasama ang dalawa ko pang kapatid.

Ashley and Asher are both in private high school. Wala namang problem sa kanila kasi simula no'ng grade school pa lang ay nag-uuwi na ng medals and certificates every year. I'm a proud ate here!

"Wala na po, ma. Sakto na. " Ngumiti ako to give her assurance.

"Magsabi ka lang kung may kailangan ka, anak. Huwag kang mahiya. " Wika nito.

"Opo, ma. Magsasabi na lang ako kapag may need ako. "

Matapos kumain ay nag-ayos na lang ako ng lamesa. Hindi na ako makakapaghugas ng pinggan dahil baka ma-late ako. Nang matapos ay tumingin ako sa salamin upang ayusin ang sarili ko. Ready to go na after this.

Sabay kaming tatlo ng kapatid kong lumabas ng bahay at naghiwalay lang nung nasa sakayan na kami. Iba ang direksyon ng school nila kaya kumpara sakin. Good thing dahil magkasama silang dalawa palagi.

Ngayon ko lang naramdaman ang bagal ng oras habang hinihintay matapos ang mga subjects namin para sa araw na ito. Halos hindi ako makapag-concentrate kakaisip kung anong mangyayari mamaya sa pagkikita namin ni Dash Arevalo.

Omg! Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ko. Alam kong mali dahil may girlfriend na siya pero wala namang masama gawing inspirasyon ang isang tao. Isa pa ang gusto ko lang ay mapalitan ang salamin niya sa mata na nabasag ko kahapon gawa ng pagtama ng bola ng volleyball.

My College FantasyWhere stories live. Discover now