CHAPTER 8

14 1 0
                                    

Friday ngayon slash wash day. Sa campus, pwede kang magsuot ng gusto mong outfit basta hindi lang masyadong revealing. As usual, fitted jeans and pink lettuce croptop ang suot ko with matching white wedge sneakers. Pwede na.

Naglalakad pa lang ako papasok ng school ay hinarangan na agad ako ni Jasper. Kinuha niya ang payong na nasa kamay ko. Ito yung payong bigay niya noon. Nasa akin pa rin hanggang ngayon. Maingat ako sa gamit that's why.

"Good morning, beautiful. " bati niya sakin. Lumitaw na naman ang mga dimples niya.

Alam niyo kaya nagdadalawang isip ako sagutin si Jasper ay dahil mas maganda pa siya sa'kin. Yung kutis niya ay sobrang puti at kinis. Kung hindi lang maskulado ang katawan niya mapagkakamalan pa siyang babae. Tsk! Tsk! Pogi ba naman.

"Rest day niyo today ah. " pagtataka ko.

"I just want to see you. Bawal ba? "

"Tss! Nagsasayang ka ng gas. "

"Basta ikaw ang makikita ko, walang sayang. "

Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Ewan ko ba ba't ako natipuhan nito. Sa dami ng babae na magaganda at sexy dito sa campus ay sa akin siya bumagsak. Ganun ata talaga kapag super duper ganda. Ahahaha. Kidding!

"Good morning sir, pwede pong maki-seat in? " tanong ni Jasper sa prof ko nang makarating kami sa room.

Hindi naman ako late sadyang maaga lang si Sir Mike dahil need niya pang iset-up ang projector niya.

"Jasper Castro? " tanong ni sir na kinatango naman ng loko. "Ah yung sumali sa mister BSBA nung dati? Anong year mo na nga? " sunod sunod niyang tanong.

Bumadha ako ng tawa bago naglakad sa upuan ko. Kahit hindi pa man pumapayag si sir na maki-seat in siya ay umupo din si Jasper sa katabing upuan ko.

"Third-year po, sir. "

"Girlfriend mo? " nanlaki naman ang mata ko nang ituro ako ni Sir Mike.

Nilingon ako ni Jasper at binigyan ng matamis na ngiti.

"Soon, sir... Soon. " sagot niya habang nakatitig sa'kin.

Nagkantyawan naman ang mga kaklase ko na naroon na . Buti na lang at kalahati pa lang kami dito. Jusme! Nag-iinit ang pisngi ko at kahit hindi ko ito kita ay alam kong namumula sila.

"Kaya pala ganado si Miss Corpuz mag-aral dahil may inspirasyon. " pang-aasar ni Sir Mike sakin.

Napayuko upang itago ang kilig. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko.

Nagsimula na nga ang klase. Akala ko ay madi-distract lang ako sa katabi kong si Jasper pero nagulat akong mas interesado pa siya sa lesson kesa sa'kin. Paminsan-minsan ay sumasagot pa siya kahit hindi siya ang tinatanong.

This guy...

Dalawang subject lang ang meron kami ngayong araw ngunit tag tatlong oras naman per subject. Ngunit may mga teacher na hindi na inuubos ang buong tatlong oras upang magturo. Hinahayaan na lang kami sa natitira pang oras.

"Movie date? " tanong ni Jasper nang makarating kami sa parking lot.

Mayaman si Jasper Castro. May kotse at parang nasa kanya na ang lahat. Minsan nanliliit ako sa tuwing kasama siya sa mamahaling kainan. Kilala niyo naman ako, sanay lang sa mga fast food.

"Ayoko. " pagtanggi ko.

Kinabit ko ang seatbelt habang siya ay pinaandar na ang makina. Bilang palang sa daliri ang ilang beses pagsakay ko sa kotse niya. Minsan dahil ayokong sumakay pero sapilitan pa niya akong inaaya.

My College FantasyWhere stories live. Discover now