CHAPTER 10

27 1 0
                                    

Second day ng foundation week. May pageant sa campus kaya napagdesisyunan naming apat na manood. Wala man kaming pambato ay naki-cheer pa rin kami sa naggagandahan at nagwagwapuhang mga kandidata.

Si Kai sa gitna namin ay halos walang pinalagpas na male contestants. Halos mabingi na kaming tatlo sa tili niya.

"Kilala mo? " mataray na tanong ni Estes kay Kai.

"Hindi! Need bang kilala para suportahan? Duh! "

"Manahimik nga kayong dalawa! Kayo na nga lang magkamukha e! "

"Si Estes kamukha ko? Yuck! Kadiri! "

"Mas kadiri namang kamukha kita! Magpapakamatay na lang ako pag ganyan mukha! "

Bumuga ako ng hangin at napapagod silang tinignan. Tinapik ko si Herlyn upang ayain siyang mag-CR. Puputok na ang pantog ko kakapigil. Naririndi rin ako dito sa dalawa. Parang aso't-pusa, laging nakaangil.

Walang salita kaming umalis sa pwesto namin. Hawak ko ang kamay ni Herlyn at pareho kaming natatawang umalis.

"Dalawang 'yon. Hindi na nagtigil. "

"Kaya nga e. Ang bababaw lahat ng pinag-aawayan. "

Nag-usap kami hanggang makarating sa CR. Pagpasok ko palang ay naghanap na agad ako ng bakanteng cubicle. Sasabog na talaga ko. Hayss!

Nakahinga ako ng malalim nang gumaan ang pakiramdam ko. Nag-flushed ako bago lumabas. Sinuri ko ang sarili sa malaking salamin. Katabi ko si Herlyn na naglalagay ng liptint sa labi.

"Ang ganda ko. " sambit niya habang nakatingin sa salamin na kinatawa ko naman.

"Kain tayo? " aya ko nang makalabas kami ng CR.

"Saan? "

"Sa kainan malamang. "

"Ha. Ha. Ha. "

"Kung saan matripan. "

"Pa'no sila Kai at Estes? "

"Chat na lang natin. " turan ko.

Naghanap kami ng masarap na meryenda sa mga booth. May naaamoy akong parang bananaque kaya iyon ang hinanap ng mata ko. Bigla akong natakam.

"Ley. " tawag sakin ni Herlyn habang tinuturo ang bagong luto na bananaque.

Nanubig ang bagang ko sa sarap ng mga naka-display.

"Bananaque nga po. " pagbili ko. Wala ng pili-pili pa. Kapag nagcrave ka ng biglaan ay iyon talaga mabibili mo. "Ano sa'yo? " tanong ko naman kay Herlyn.

"Turon na may langka. "

"Ang sarap din. Pakagat ako ng iyo, bibigyan din kita ng akin. " Pag-trade ko sa kanya.

"Sureness."

Dumating na yung aso't-pusa at bumili rin ng pagkain nila. Naglakad kami patungo sa butterfly garden habang hawak ang mga pagkain at inuming nabili.

"Sino nanalo? " tanong ko.

"Di pa tapos. Question and answer nang umalis kami. "

"Tch. Syempre yung number one bet niyan. " umeksena na naman si Estes na parang hinahamon si Kai.

"Talaga! Duh! Di ka lang kasali e! "

"Di naman talaga dahil baka ma-discover ako! "

"Kapal! Mukhang 'yan tinatago lang! "

Jeez. Hindi ko na sila pinansin dalawa at nag-focus na lang sa kinakain ko. Tinikman ko rin yung mga binili nila at lahat naman ay masasarap.

"Hindi ko nakita si Papa Jasper ngayon ah. " pag-iiba ni Kai ng usapan.

My College FantasyWhere stories live. Discover now