CHAPTER 9

20 1 0
                                    

Maaga akong nagising at naghanda sa pagpasok. Foundation week ngayon sa campus kaya super excited ako. Curious kasi ako paano ginaganap ang foundation week sa college. Baka may similarities din sa highschool.

Suot ko ang foundation shirt at tinernuhan ko lang ng komportableng jeans. Nilaylay ko ang mahaba at kulot kong buhok. Nang makuntento sa sarili ay nag-apply lang ako ng pabango bago tuluyang umalis ng bahay.

Pagdating sa campus ay kita ko na agad ang mga excited din na students. Napaka-busy ng paligid. Namataan ko din ang mga nakahilerang booths sa activity area. May mga naka-costume pa, cute.

Sa classroom ay hinanap ko agad sina Herlyn, Kai, at Estes. Tulad ko ay nakasuot din sila ng foundation shirt, actually lahat kami dito. Automatic na walang klase dahil abala nga sa foundation week. Kaya heto, tambay muna kami sa classroom dahil maya maya mauubos din ang energy namin sa pagpunta sa mga booth.

"Ley, someone's looking for you. " pagtawag ng mayor sa'kin.

Jasper. Tsk!

Tumayo ako sa upuan at agad na lumabas ng classroom. Natigilan ako sa paglalakad nang makitang hindi si Jasper ang bumungad sa'kin.

"Dash? "

Awtomatikong kumalabog ang kalamnan ko. Ang kaninang kalmado kong puso ay nagwawala na ngayon. Nabigla ako. Hindi ko inaasahan na makikita siya sa labas ng classroom ko.

"Ainsley. " pagtawag niya.

Natulala ako sa kanya. Aaminin kong naa-attract pa rin ako sa kanya. Lalo na sa tuwing gagalawin niya ang suot na salamin. Sa tuwing aayusin niya ang hanggang leeg na buhok.

Napaka-disente ng ayos niya ngayon. Napakagwapong nilalang sa totoo lang. Wala ka atang mapipintas sa panlabas na itsura niya.

Pinilig ko ang aking ulo nang maalala si Jasper. Bigla akong nakonsensya sa naisip. Hindi deserved ni Jasper ang tulad kong nililigawan na ng iba pero nahuhumaling pa rin sa kaharap kong lalaki. Si Dash.

"Anong ginagawa mo dito? " nagtatakang tanong ko.

Umismid siya bago nagsalita. "I'm looking for you. I want to talk to you. " seryosong wika ka niya.

Naalala ko ang pag-drunk call niya sakin kagabi. Kaya ba siya nandito sa harap ko ngayon ay dahil doon? Hindi ko na nga pinansin iyon dahil alam kong niloloko niya na naman ako.

Napakamot siya sa ulo at nahihiyang tumango.

"Y-yeah.. I'm so sorry about that. I was just drunk and wasted last night. I randomly called a number. " paliwanag niya.

Napamaang ako. "Naka-save yung number ko sa contacts mo? " gulat kong tanong.

Nanlaki ang mga mata na tila nahuli ko. Nangapa siya ng sasabihin. "Because you gave it to me, remember? "

"Binigay ko nga pero I didn't expect na naka-save sa contacts mo. "

Nahihiyang siyang napahilamos sa mukha. Namula ang mukha niya at sinimulang pawisan ng butil butil.

Wala sa sariling natawa ko na kinalingon niya.

"Fine. Apology accepted. " sambit ko at ngumiti sa kanya.

Sumilay ang gwapo niyang ngiti na matagal ko ring hindi nakita. Walang kupas.

"Ahm gotta go, may booth pang need bantayan. " paalam niya bago naglakad palayo.

Napako naman ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang likuran niyang papalayo. Muling bumalik sa alaala ko ang araw na natamaan ko siya ng bola hanggang sa yayain ko siyang palitan iyon. Nanumbalik sa'kin yung panahon na sabay kaming kumain sa Jollibee at bumili ng contact lens niya. Nanumbalik sa'kin lahat ng memories kasama siya, bad memories man o hindi.

My College FantasyWhere stories live. Discover now