CHAPTER 13

33 1 0
                                    

Ainsley's POV

Months had passed, unti-unti akong naka-move-on kay Jasper. Hindi ko alam kung pa'no ko nakayanang magpatuloy sa buhay matapos ang nangyaring iyon. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit siya napagod sa'kin.

Siguro good thing na rin na wala muna akong love life ngayon dahil mas napagbuti ko ang pag-aaral ko. Hindi naman pala nakamamatay pag walang jowa.

Ngayon ay second year college na 'ko. Wala pa rin namang bago, sadyang pinagtuunan lang ang pag aaral. Mabuti nga at classmates ko pa rin sina Kai, Herlyn at Estes. Nagiging mas makabuluhan ang araw ko kasama sila.

May event ngayon sa school, welcoming sa mga freshies. Naalala ko din tuloy last year na marami kaming booth na pinuntahan as freshman. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ako pa ang freshman.

"Ley, nakita mo na si Yuri di ba? " tanong ni Kai.

Nandito kami ngayon sa butterfly garden, tamang nood lang sa mga nagdaraang students.

"Hindi ko pa nakita, naririnig ko lang name niya. Bakit? " sambit ko. Kinagatan ko ang hamburger na hawak.

"Wala lang. Transferee siya diba, classmate ni Dash? "

Nagtinginan silang tatlo sa'kin. Pinaningkitan ko sila ng mata. Ako na naman trip ng mga 'to.

"Ano naman? " hindi ko interesadong sabi.

Naghagikgikan sila. Mga nang aasar.

"Ang ganda niya tapos famous pa sa Tiktok. "

"Kaya nga kaso masama daw ugali. "

"Pa'nong masama? "

"Maldita raw. "

"Sus! Sinisiraan lang nila kasi sikat. "

Bumuntong hininga ako at binalik sa plastic ang burger kong may isang kagat pa lang. Bigla ako nawalan ng gana.

"Hindi pa ba kayo uuwi? " tanong ko sa kanila.

"Pwede na ba? Hindi pa nga nagpapalabas sa gate. " sagot ni Estes.

"Tambay muna tayo sa gymnasium. " suhestiyon ni Herlyn.

"Crowded dun e. " nakanguso kong wika.

"Eh saan mo gusto? "

Nagkibit balikat lang ako at uminom ng tubig.

"Lika, lakad-lakad na lang tayo. "

Mabuti na lang talaga at hindi ako naka-heels ngayon kundi hindi ako sasama sa kanila maglibot sa campus. Maghahanap lang ng pogi ang mga to e.

Magkakapit bisig kaming apat. Napukaw naman ng atensiyon ko ang random dance play sa court. Mga freshmen lang ang naroon.

"Two o'clock. " huminto kami sa tinuran ni Kai.

Naglakbay ang mata sa direksyon na sinasabi niya.

"Si Yuri 'yon diba? " bulong ni Estes.

"Oum. Ganda gagi! "

Napatitig ako kay Yuri. In fairness, maganda nga tulad ng sinasabi nila. Maputi at matangkad.

"Omg! " Sambit ni Kai habang inaalog ako. "Si Dash kasama niya. "

Nagsalubong ang kilay ko hindi dahil sa nakita kundi dahil sa pagyugyog sa'kin ni Kai.

"Natural magkaklase sila. Tsaka hindi lang naman si Dash kasama niya, ang dami nila oh. " paliwanag ko.

Tinignan nila ko ng malagkit. Nang-aasar na naman ang tingin.

"Uyy, nangangamoy selos. "

"Umamin ka na, Ley. Si Dash pa rin 'no? "

My College FantasyWhere stories live. Discover now