CHAPTER 6

20 1 0
                                    

Maaga akong nagising. Excited! I'm super excited! Sinong hindi ma-excite pumasok kung may inspirasyon ka di'ba? Hindi nga ako maayos na nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Imagine, nagkita kami ni Dash, lasing na Dash. Hayss.

Imbes na blooming akong papasok ngayon ay kinakalaban naman ako nitong eyebags ko. Huhuhu. Ba't kasi ang hirap matulog kapag naiisip mo ang crush mo.

Matapos magpaganda ay nagpaalam na ko sa bahay. Sumakay ako ng tricycle patungong school, special dahil malapit na kong ma-late.

"Ley! "

Napalingon ako sa likod nang marinig ang sigaw ni Estes, kasama niya si Herlyn. Good mood ang dalawa. May hawak pang hotdog si Herlyn na kalahati na ang bawas.

"Yow? " Hinintay ko silang makalapit sakin bago kami nagpatuloy maglakad patungong classroom.

"Guess what? " pa-mysterious na entry ni Estes.

Kumunot ang noo ko. "What? " Interesado kong tanong.

Malapit na kami sa room. Inaaninag ko ang mga kasabayang ko lumalakad. Baka mamataan ko kasi si Dash.

Ehem.

"I'm taken! " excited na balita ni Estes.

Natigilan ako at nanlaki ang mata. "You're kidding! " Di makapaniwalang tanong ko.

Nabaling ako kay Herlyn na excited din at mukhang siya ang unang nakaalam. Tch!

"Bilis ng manok natin! Sinagot agad, isang araw pa lang! " Nag-eenjoy na wika ni Herlyn.

Lumalaglag ang panga ko sa nabalitaan. Totoo ba? Ang bilis naman? Watda? May ganun pala talaga.

"Kailan mo nakilala? Kahapon? " Tanong ko nang makapasok sa room.

"Yap! Nung nag aabang tayo ng rides. " Usal niya habang binababa ang bag sa upuan.

Napakibit balikat ako, 'di pa rin makapaniwala.

"Liar. 'Wag ako! " Untag ko. "Show proof. "  paghahamon ko sa kanya.

Hindi talaga ko maniniwala hangga't walang pruwebang nakikita. To see is to believe kasi ako. Hmp!

"Dare me! Sinusubukan mo 'ko ah. " confident niyang wika.

Pinanood ko siyang magtipa sa cellphone pero nabaling ang atensyon ko sa maingay na paparating na si Kai. Natawa pa ko nang may makitang hairpin sa buhok niya. Cute. Haha.

"Babe. "

Muli akong nabaling kay Estes na katawagan na ang boyfriend kuno niya. Tss.

"Yes, babe? "

Yes, babe? Grabe 'to!

"Meet my friends slash classmates. Kai, Ley, and Herlyn. " pagpapakilala niya samin.

Wala akong nagawa kundi mag-hi sa camera nang itapat niya ito samin.

"Reyna ka ng taon! Pak! May jowa agad! " si Kai.

"Well, ang magaganda hindi nababakante. "

"Ba't ako maganda pero laging bakante. " ungot ni Herlyn na sinang-ayunan ko naman.

"Wash your name? " tanong ni Kai na sinadyang Wash ang sabihin imbes na What. Nagtawanan naman kaming mabababaw ang kaligayahan.

"I'm Jerick. Nice to meet you guys! Let's hang out sometime! "

Nagkantyawan pa kami bago pinutol ang tawag nang dumating na ang teacher namin. Inasar pa nga ako ni Estes na hindi ako maniwala, totoo naman. Edi siya na! Ako na soon!

My College FantasyWhere stories live. Discover now