01: Matutong Mahalin Ang Sarili

572 9 1
                                    

“Matutong Mahalin Ang Sarili”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matutong Mahalin Ang Sarili”

Bawat isa sa atin ay may pinagdadaanan sa ating sarili. Ang masasakit na salita na ating naririnig ay tumatagos sa ating dibdib. Mga gabing hindi makatulog dahil iniisip anong mali sa ating sarili? May mali ba talaga o sadyang mapanghusga lang sila?

“Grabe ang payat mo!”

Mga salita na wala lang sa iba ngunit nagbibigay sa atin ng matinding marka.

“Ang taba mo!”

Mga salitang masakit pakinggan, panghuhusga at panlalait na galing sa iba.
Salitang nagbibigay ng matinding takot para magkaroon ng kompyansa.
Mga salitang hindi mo aakalain na manggagaling sa kanila; hindi naman sila perpekto para manghusga.
Hindi rin naman sila Diyos para iyong pakinggan.

“Ang itim mo!”

Hindi mo dapat sila pakinggan dahil sila'y naiinggit lang.
Maganda ka, kahit sino at ano ka pa.
Hindi ka man maputi, matangkad at hindi makinis—tandaan mo ikaw lang ang mag aangat sa iyong sarili.
Upang makamit mo ang mataas na kompyansa sa sarili; isa lang ang aking sasabihin mahalin mo ang iyong sarili.

“Hindi naman maganda 'yan maputi lang!”

Huwag mong pakinggan ang sasabihin ng iba dahil para sa akin maganda ka.
Walang pero at bakit—maganda ka dahil maganda ka.

Ang tunay na ganda ay nagmumula sa pagmamahal sa sarili.
Ikaw, ako tayong lahat ay maganda nasa atin kung paano natin bibigyan halaga.

Maniwala ka, ang taong naiinggit sa panghuhusga kumakapit.


.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now