22: Mali Ka-Mali Ako

61 4 0
                                    


“Mali ka—Mali Ako”


aking napagtanto
mula noong pinalaya
ko ang sarili sa takot
at pangamba.

marami pala akong
kayang gawin—marami
pala akong talentong
tinatago.

noong una, akala ko
isa lang akong batang
nag hahangad na maging
katulad nila—‘yun bang
marunong sumayaw,
kumanta, gumuhit at
marami pang iba.

akala ko ‘eto lang ako—
akala ko hindi ako
nabibilang sa kahit na
anong talento.

ngunit mali ako,
mali ako na pinagdudahan
ko ang aking kakayahan.

mali ako, sa paraan
na inuna kong isipin
ang sasabihin ng iba.
mali ako, dahil hinayaan
kong manaig ang takot
sa aking puso.

may talento pala ako—
nalaman ko lang iyon
noong lumabas ako
mula sa takot na nagmumula
sa aking sarili.

maalam pala akong
gumuhit—hindi lang
basta guhit kundi
isang guhit na tiyak
magpapahanga sa iyong
isip.

maalam pala akong
maglayag ng mga salita
gamit ang aking mga
kuwentong nakakahanga.

noong una, akala ko
ay wala lang.
ngunit aking sinubukan
at lumabas sa aking
kinatatakutan.

binuksan ko ang sarili
patungo sa walang
kasiguraduhan.
hindi ako sigurado
kung tama nga bang
pinalaya ko ang sarili—
ngunit ‘eto ako,
naglalayag patungo sa
marami pang pangarap.
at mga talentong binigay
sa akin ng maykapal.

hindi totoong wala kang
talento—dahil lahat tayo
may tinatagong talento.
hindi man katulad sa iba,
hindi ka man magaling
katulad nila.
ang mahalaga matatawag
parin itong isang talento.

kaya ikaw, may talento ka.
hindi mo palang nakikita—
hindi mo palang nalalaman.
dahil hindi mo pa hinahayaan
ang sarili mong maglayag at
matuto sa marami pang bagay.

hindi totoong wala kang talento,
lahat tayo ay meron.
kailangan lang natin hayaan
at subukan lumaya ang ating
sarili.

maglayag ka
lumaya ka
at dadating ang oras
makikita mo nalang
ang iyong sarili,
may talento ka ng hinahasa.
may talento ka ng libangan,
at may talento ka ng puwedeng
ipagmalaki.

mali ka,
mali ako
sa isiping
wala akong talento.

ang bawat tao,
bawat bata o matanda
ay may kaniya-kaniyang
tinatagong talento.

lumaya ka lang
at makikita mo rin
kung saan ka na bibilang.

subukan mo,
at hayaan mong dumating
sa punto—na ikaw mismo
ang hahanga sa sarili mo.

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now