13: Ngiti At Papuri Para Sa Iyong Sarili

101 5 0
                                    


"

Ngiti At Papuri Para Sa Iyong Sarili"

Libo-libong salita ang ating sinasambit kada-araw. Ngunit ang salitang "kumusta ka?" ay hindi mo masambit sa iyong sarili.

Ang bilis ng panahon 'no?

Hindi mo napansin na ang tapang at ang lakas mo.
dahil sa bawat araw na lumilipas nandiyan ka at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

May nakapagsabi na ba sayo, na ang galing mo?
dahil sa kabila ng nangyari sa iyo, nanatili kang matatag-lumalaban at nagpapatuloy sa buhay.

Alam ko at na sisiguro kong hindi madali ang pinagdadaanan mo.
ngunit ako ay lubos na natutuwa dahil sa iyong katapangan.

Hindi biro ang bigat at sakit sa iyong puso nitong mga nakaraang araw.
mabigat kahit paggising mo sa umaga-maraming katanungan pa rin ang namumuo sa iyong isipan.

Kahit alam mong babalik ka sa kahapon na lumipas.
bumabangon ka pa rin at ipinagpapatuloy ang iyong ginagawa.

Hindi ba nakakatuwa? na kahit bumabagsak ka, nananatili ka pa ring matatag.

Huwag mo sanang kalimutang magpahinga.
kamustahin ang iyong sarili pa-minsan.
bigyan ang iyong sarili ng puri-para sa pagiging matapang sa nag daang araw.

Saan ka man dalhin ng iyong mga paa
h'wag mong kalimutan na ipinagmamalaki kita.
dahil hindi ka lang basta matapang-sobrang tapang mo para harapin mag-isa ang iyong mga problema.

Kaya ngumiti ka, at bigyan ang iyong sarili ng oras.
Upang makamit mo ang tunay na pahinga na nababagay sa iyong puso, isip at diwa.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang