05: Makata-Numero unong tagahanga

179 9 1
                                    

“Makata—Numero unong tagahanga”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Makata—Numero unong tagahanga

Ikaw ang paksa
sa bawat kong tula
ang iyong katha,
ang aking poborito sa lahat
numero uno mo akong tagahanga
sa iyong tulang matatalinhaga.

Sa bawat tula mo
isang matamis na ngiti
ang umuukit sa aking labi.

Nais kong ipabatid sa iyo
na unti-unti ko ng nararamdaman
ang tibok ng puso ko; tibok
na akala mo'y normal
ayun pala'y may isinisigaw
at ayun at ang pangalan mo.

Ngunit 'wag kang mag alala
hindi na ako a-asa
sa dami mo ba namang mambabasa
ako'y mapapansin mo pa kaya?

Alam kong mali
na umibig sa katulad mong makata
ngunit hindi ko mapigil
dahil ang iyong mga likha
ay talagang nakaka-ibig.

Puno man ng kathang isip
ang mga tula mo't istorya
nais ko lang ipabatid na itong tula
na aking ni likha,
para sa iyo mahal kong makata
ay totoo.

Totoo dahil galing
ito sa aking puso.

Hindi ko man mabanggit
ang iyong pangalan
huwag kang mag alala
dahil ang puso ko ikaw
ang sinisigaw.

Mahal kong makata
maglayag ka at ako'y susuporta
saan ka man dalhin ng iyong tinta.

                 Nais kong ipabatid sa
                   Isang makata na aking—katha ang
                   aking paborito sa lahat
                   numero uno mo kong
                   tagahanga sayong tulang
                   matatalinhaga.

IKAW ANG NAGTURO KUNG PAANO LUMIKHA NG TULA—MALALIM MAN ITO O MABABAW.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now