23: Malalim Na Gabi

84 4 0
                                    

“Malalim Na Gabi”

malalim na ang gabi at biglang may kuma-usap sa akin. isang matalik na kaibigan, nag bahagi siya sa akin. isang malungkot ngunit may aral namang mapupulot.

tinatanong niya ako kung okay lang bang insultuhin? tumaas ang aking kilay habang sumisilay ang mapait na ngiti sa aking labi.

agad akong sumagot at sinabing hindi. bakit sino ba sila para ikaw ay insultuhin?
at bakit mo sila hahayaan na batuhin ka ng masasakit na salita?

wala naman silang ambag sa iyong buhay. sila lang naman ang mga taong walang magawa sa buhay, kundi ang ibaba ang kanilang kapwa. sila yung mga taong gustong umangat kaya ng hihila pababa.
sasabihin ka pa ng mga salitang nakakapanlumo. tapos hindi pa sila makukuntento, dudurugin ka pa nila gamit ang mga matutulis na salita.

dito na papasok ‘yung mga salitang mag papababa sa tiwala mo. kompyansa mo na natitira sa iyong sarili hindi pa nila palalagpasin, kukuhanin pa nila at hihilahin ka pababa para wala nang matira sa iyo.

syempre masasaktan ka at maniniwala sa mga sinasabi nila. ngunit ang mga salitang iyan ay wala lang kung ang tiwala mo sa sarili ay malaki.

iniisip ng mga tao na hindi sila nakakasakit pero ang totoo, ay oo. pati ang mga kahihiyan sa katawan ng iba, papakalmaan pa nila. iniisip nila na tama ang mga ginagawa nila, pero mali.
at kapag nawalan ka ng respeto ikaw pa ang mali. utak nga naman ng tao.

ganiyan naman talaga,
iniisip ng mga tao na sila ay may kakayahang gumawa ng mga bagay, mga taong palaging may na pupuna sa iyong mga kapintasan dahil gusto nilang maging nangunguna. ayaw nilang na lalamangan.
minsan, ang paggalang ay hindi para sa lahat. ine-earn ang respeto. kung hindi ka nila kayang respetuhin, huwag mo rin silang respetuhin. kahit pa mas matanda sa iyo, alisin na natin ‘yung isipin na
na matanda siya kaya kailangan irespeto, hindi. hindi sa kanila ito nararapat.

may ka sabihan nga tayo na kung ayaw kong gawin sa’yo ‘wag mo gawin sa iba, simple.

may mga salita na hindi na dapat sinasabi, lalo na kung wala naman itong magandang maidudulot sa iba. mas mabuting manahimik at mag sa walang kibo na lamang.

magandang makipag-usap o mag bahagi ng nararamdaman. ngunit hindi lahat maiintindihan ka, kaya pumili ka ng taong marunong umunawa hindi lang sa mababaw na salita kundi pati narin sa malalim na mga salita. isang salitang hindi mo kailangan mag paliwanag ng mahaba upang maintindihan ka, dahil sa isang tingin at buka ng iyong bibig alam niya na ang nararapat na sasabihin.

naiintindihan kita, ito ay mabuti sa libo-libong mga salita. ang pagtulong sa kapwa ay nakakabuti at masarap sa pakiramdam kesa ang mang hila ka pababa upang ikaw ay umangat.

isang tao, malalim na gabi, malalim na usapan, at malayang pang-unawa.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon