02: Mahal kita

394 11 1
                                    

“Mahal kita”

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Mahal kita”

Pag sinabi kong mahal kita
maniniwala ka ba?

Mahal kita,
pero hindi
kayang sabihin ng harapan

Mahal kita,
Oo, inaamin ko
Pero hindi pa ako
handang sumugal

Mahal kita,
pero pasenya
Hindi ko pa talaga kaya
makita ulit ang sarili kong nasasaktan
Dahil naging tanga na naman ako sa tinatawag nilang pag-ibig

Mahal kita,
pero hindi ko kayang
maniwalang muli

Mahal kita,
Natatakot lang ako na baka
dumating na naman ang araw
na ako'y masaktan

Mahal kita,
pero hindi ko alam
kung kaya ko
maging bahagi ka ng buhay ko

Mahal kita,
pero natatakot ako
sa mga alaalang maaaring bumalik
mula sa aking nakaraan

Mahal kita,
pero hindi pa ako handang makitang maging masaya ako
tapos ang kapalit ay isang balde ng luha

Mahal kita,
pero hindi ko
kayang ipagtapat sayo
ang katotohanan

Mahal kita,
pero natatakot ako na
baka isang araw
gumising nalang ako ulit
na mag-isa na naman ako

Mahal kita pero maraming pero.


.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ