03: Sino nga ba siya?

277 9 1
                                    

“Sino nga ba siya?”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Sino nga ba siya?”

kakaiba—malayo sa iba, weirdo kung ituring nang karamihan. may sariling mundo sabi ng kanyang pamilya. siya'y hindi marunong makiisa—malamig kung makitungo sa madla. turing sa kanya'y suplada, maarte at iba pa. sino nga ba siya talaga, sa likod ng kanyang mga pinapakita.

maamo naman ang kanyang mukha, ngunit minsan mo lang makikita ang mga ngiti niya. masyado siyang ilag sa mga taong kanyang nakakasalamuha. simpleng babaeng hangad lang ay sumaya. ngunit tila ang mundo'y pinagkakaitan siya, mga katanungan sa kanyang isipan ay nais niyang magkaroon ng kasagutan. ngunit paano?

sa madilim na sulok—nag iisa at nakabaluktot. ang isip niya'y malayo, hindi alam kung saan tutungo. walang nakaka-alam dahil siya ay masikreto. paulit-ulit ang bawat nangyayari. tahimik nag iisa at tulala yan ang babaeng kanilang hinuhusgahan. tila balewala sa kanya ang mga binabatong salita. hindi manlang siya makitaan nang pagkadismaya—siguro nga siya ay nasanay na.

ngunit sa kabila nang hamon sa buhay. matatag niya itong nilalabanan. taas noo kahit kanino, siya ang hinahangaan ko. tiwalang kanyang ibinibigay sa sarili ay sapat na't maipagmamalaki. mag-isa man siya at tila walang kakampi—haharap pa rin siyang buo ang loob sa laban. wala mang sandata o kahit na anong armas. basta alam niyang balang araw siya ay matatagumpay.

kakaiba man ako—ngunit ako'y totoo.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now