08: Sa pagmulat ng aking mata-Pangarap ko

187 7 0
                                    

“Sana sa pagmulat ng aking mga mata ay mawala na ang sakit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Sana sa pagmulat ng aking mga mata ay mawala na ang sakit.”

Pangarap kong magising isang umaga na wala na ang bigat, sakit at poot na aking nararamdaman. Pangarap kong magising isang umaga na may ngiti na muli sa aking labi. Ngunit paano kung ang paglipas ng taon ay ang pagtaas ng edad ko. Kasabay ng paglipas ng panahon, ang  pagka-wala ng ngiti sa labi ko. Siguro parte na ito ng ating pagkatao. Siguro nga habang tumatanda tayo, nagiging malungkot ang buhay natin. Dahil sa dami ng iniisip, responsibilidad at sarili natin.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang mga katagang ito, siguro parte na rin ito ng iniisip ko. Siguro nga hindi na ako bumabata dahil hindi na ako marunong magtampisaw sa ulan. Hindi ko na magawang maging masaya sa tuwing may mga pambata na palabas sa umaga. Hindi na katulad ng dati, hindi na ako tumatawa sa tuwing may magsasabi sa akin ng mababaw na biro—hindi tulad ng dati, sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Malayo na pala ako; Malayo na pala ako sa pagiging bata.

Ito na pala ako ngayon, maraming lungkot na ang bumabalot sa aking isipan. Mabigat na ang dibdib dahil sa mga responsibilidad. Takot na magkamali dahil sa kanilang mga inaasahan—pagkabigo. Paano ako uusad, kung patuloy nila ipinaparamdam sa akin na ako ang kanilang pag-asa?

Pangarap kong maging batang muli—Sana sa pagmulat ng aking mga mata ay mawala na ang sakit.

Sana gano'n lang kadali ano?

Ngunit hindi, dahil habang lumilipas ang mga araw pabigat na nang pabigat ang sakit. Hindi na nawawala kundi mas lalo lang nadadagdagan ang pasan-pasan.

“Paano ba maging masaya 'yung tipong walang iniisip na problema?” Napangiti ako pero hindi na umaabot sa mata ko. May bahid ng kalungkutan—puno ng kalungkutan.

Ang kalungkutan ay hindi na mawala,
bigat sa puso ay mas lalong bumibigat.
Ganito ba talaga kapag hindi ka na nag sasabi ng iyong nararamdaman?
Ganito pala kapag tahimik mo nalang pinagdadaanan ang iyong mga problema.
Hindi ka na nag sasabi, dahil pakiramdam mo'y walang makakaintindi.

Sana kahit hindi ako mag sabi mawala ang sakit, bigat at poot sa aking dibdib.
Kahit isang araw lang, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya at ngumiti ng totoo at walang pagkukunwari. Puwede kaya iyon mangyari? O hanggang sa panaginip ko nalang ang hiling.

Sana bukas, sana sa pagmulat ng aking mga mata ang pangarap kong maging masaya ay matupad.

Sana walang pagkukunwari, kalituhan at katanungan sa aking isipan ang bumagabag sa pagpikit ng aking mga mata.

Sana bukas maayos na—Sana bukas wala na ang sakit at bigat. Wala na ang dilim at poot sa aking puso.

Sana mututunan kong muling ngumiti, tumawa at maging positibo sa sarili. Dahil ayun lang ang tangi kong pangarap at sana.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now