19: Kuwento Mula Sa Nakaraan

75 4 0
                                    


“Kuwento Mula Sa Nakaraan”


Paano ako magsisimula
sa kuwentong tapos na?


alam kong hindi na mauulit
ang ating mga nakalipas.
ngunit gusto ko lang balikan
kung paano tayo nangako
na walang iwanan.

sinubukan mong pumasok
sa aking puso gamit ang
iyong mabubulaklak na
mga salita.
pinakitaan mo ako ng mga
kilos na kakaiba.
hindi rin naman nag tagal
dahil ako'y naniwala sa iyong
swebang mga galaw.

hinayaan kitang buksan
ang aking puso at gibain
ang pader sa aking tabi.
hinayaan kitang maglakbay
sa aking isip gamit ang
mga nakakakilig mong salita.

habang tumatagal nakukuha
mo ng tuluyan ang aking loob.
napapaniwala mo ako na ang
lahat ng sa atin ay totoo.
totoo naman hindi ba?

sa unang pagkakataon hiningi
mo ang matamis kong 'oo'.
nung una'y hindi ako sigurado
ngunit ikaw ay pursigido.
kaya naman tumango ako
at sinabi sa unang pagkakataon
mahal kita at sigurado ako.

masaya at kuntento—‘yan ang
ang ating relasyon.
kagaya ng iba wala tayong
ibang tanging hiling kundi
tayo ang magtapat sa harap
ng altar.
at mangako sa taas na tayo
hanggang sa huling hininga.

ngunit hindi ganoon kadali
dahil ang isang perpektong
relasyon ay may hangganan.
nang sabihin mong kailangan
mong lumisan dahil hindi
mo na alam kung ano pa
nga bang puwang ko sa puso mo.
ang pagmamahal mo'y nakaramdam
ng kapaguran at katapusan.
kahit pa gaano ito ka saya,
puno ng kilig at pangako
ang dulo ay may hangganan.

na itanong ko sa sarili
paano na ako ngayong
wala ka na sa aking piling?
babalik na ba ulit ako sa
umpisa? kung saan ang
puso ko'y puno ng lumbay?
o maghihintay parin ako
sa iyong pagbabalik dahil
ang tunay na pag-ibig marunong
bumalik sa kaniyang dating
tahanan.

naghintay ako,
hinintay kita dahil ‘yan
ang sabi ng aking puso.
umiyak at hindi mapakali
ng ako'y iyong iwan.
binalot ako ng dilim dahil
sa iyong paglisan.
ngunit hindi ako pinangungunahan
ng pagsuko.

dahil alam ko sa aking sarili
na babalik ka at muli akong
yayakapin ng mahigpit.
tama ako, bumalik ka.
bumalik ka at sinabing
bigyan pa natin ng isang
pagkakataon ang na udlot
nating pag-ibig.

pumayag ako, at sinabing
huwag mo ng uulitin ang
iwan ako.
nangako ka, at sinabi mong
hindi na mangyayari iyon.
nagdiwang ako sa tuwa
at para bang umaalon
ang aking puso sa galak.
ito na naman, ang kasiyahan
mong dala sa buo kong
sistema.

hindi ko maisip nung una
kung bakit ikaw ang aking
napili—marami namang iba diyan.
sabi pa nila mataas ang aking
mga pamantayan sa isang lalaki.
ngunit mali sila, para sa akin
sobra ka pa sa taas ng
aking pamantayan.
hindi lang nila iyon nakikita
dahil sila'y masyadong mapanghusga.

nakakatuwa na kaya kitang
ipaglaban kahit pa ang isang
katulad ko'y hindi pala away.
hindi ko nga pinapakinggan
mga sinasabi sa akin—ngunit
kapag ikaw na ang usapan
handa akong maging matapang
upang tumayo at ikaw ay ipaglaban.

isang pangarap ang ating relasyon.
dahil ikaw ay may berdeng bandila
matalino, matangkad, may
magagandang mga mata at mga ngiti.
humahanga nga ako sa iyo
kahit ikaw ay nasa akin.
walang palya ang mga oras
kapag ikaw ay nag mensahe.
halos lahat ng iyong ginagawa
pinapaalam sa akin.
dahil sobra ako kung mag-isip.
pinaramdam mo sakin na mahalaga ako
at dapat ako ay tratuhin ng tama.

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now