10: Kakampi sa Dilim

156 6 0
                                    

“Kakampi sa Dilim”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kakampi sa Dilim”

Minsan—may mga pagod na hindi na nadadaan sa pahinga. Sa bawat bukang-liwayway ito ay tanda ng isang bagong kabanata sa iyong buhay. Ngunit, sa pagsapit ng takipsilim, lumilitaw ang iyong tunay na nararamdaman. At hanggang sa alas tres ng umaga—akala mo may kapayapaan ng dala. Ngunit—iyon na pala ang sandali ng iyong pag-iyak, at pagyakap sa iyong sarili sa kadiliman.

Sa umaga ay muling sisilay sa iyong mga labi ang magandang ngiti—isang pagkukunwari na naman ang iyong gagawin; upang hindi nila mahalata na ikaw ay galing sa madilim na gabi.

May mga problema na hindi natin sinasabi—dahil pakiramdam natin walang makakaintindi sa atin. Sa mga araw na lumilipas tanging sarili lang ang aking kakampi. At sa bawat gabi ang sarili ko lang din ang yumayakap sa akin.

Mas pinili kong manahimik—kahit masakit ang aking naririnig.
Minsan; hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman—dapat ko pa ba ipaalam o manatiling sekreto nalang ang aking nalalaman?

Simula nang sumapit ako sa tamang edad—natuto akong ilihim ang aking nararamdaman.
Hindi na umiimik—kundi natuto nalang makinig.
Siguro nga, puro nalang ako pagpapanggap—dahil iyon lang ang kaya kong gawin para manatiling matatag.

hindi ako buo; hindi naman talaga ako malakas—at mas lalong hindi ko kayang mag-isa sa gitna ng dilim. Pero kung ito lang ang magiging kanlungan ko sa tuwing tatamaan ako ng sarili kong bagyo—matuto akong mag-isa kahit walang karamay.
Kahit na lumaban ako sa digmaan nang walang sandata—basta ang mahalaga, kakampi ko ang sarili ko sa anumang madugong labanan.

Sa sandali at sa huli, huwag mo sanang kalimutan ang iyong sarili.
Dahil siya lang ang iyong kakampi sa tuwing sasapit ang iyong madilim na lagim.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now