11: Ang Tagumpay Ay Hindi Karera

133 7 0
                                    

"Ang Tagumpay Ay Hindi Karera"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang Tagumpay Ay Hindi Karera"


Totoong masakit kapag huminto ka sa pangarap mo,
dahil parang wala ng ka siguraduhan kung babalik ka pa ba sa pag-hakbang mo.

Mahirap iangat ang sarili sa tuwing nangingibabaw ang iyong takot-parang bangungot at gusto mo na lang magising.


Habang ang iba ay patuloy na tinatahak ang kanilang mga landas-patungo sa bahaghari ng kanilang tagumpay.

Habang ikaw, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo mo-masakit na wala kang magawa habang ang iba,
nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.

At ikaw, nakatingin pa rin sa bahaghari na kanilang nilalakaran-nakakaramdam ka ng sakit at inggit.

Ngunit, sana ay huwag kang sumuko sa iyong pangarap-hindi dahil sila ang nauna; ito na ang katapusan ng iyong pangarap.
nauuna lang sila-ngunit hindi ka pa huli sa iyong tagumpay.

dahil ang pangarap ay hindi karera; o kahit na anumang kompetisyon-dahil ito ay isang matayog na pangarap na mula pa sa ating kabataan.

Hinto saglit
tapos hakbang ulit-hindi naman karera ang labanan; ang mahalaga nagpapatuloy at lumalaban tayo sa buhay.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now