06: Maging Patas ka Batas

175 8 1
                                    

“Maging Patas ka Batas”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Maging Patas ka Batas

Sino ako?
sino tayo?
sino tayo sa lipunan?
mga taong mang-mang
dahil tayo'y mahirap.

Naririnig sa buong nayon
ang sigaw,
ng isang umiiyak na ina
dahil ang anak na walang kasalanan ay binawian ng buhay.

Mga siglo na ang lumipas
bakit tila tayo ay nag bubulag-bulagan?
sa mga taong walang kasalanan
na laging inaakusahan.

Salapi ang kanilang puhunan
mayayaman silang inililigtas
mahihirap ang kanilang dinidiin,
nasaan ang hustisya?

Katarungan para sa mga inaapi
buksan mo ang iyong mga mata
makinig sa mga iyak
ng mga inosenteng pamilya.

Maging patas sa batas
batas kayo ay maging patas
itigil ang pagkamkam
sa walang kasalanan kayo ay maawa.

Balitang-balita buong bansa
ang nakakita
isang taong walang kasalanan, biktima ng isang pulisya
nakikita ko ang kanilang pag tangis
katarungan ang kanilang sigaw
ang batas ay hindi patas
hindi patas ang hustisya para sa kanila.

Batas, batas, paano ka ginawa?
ginawa ka bang tama?
bakit 'di ka patas?
mayaman laban sa mahirap?

Ano ang laban nilang mahihirap?
salapi nga ay wala sila
pambayad pa kaya sa iyong katapatan
wala! wala silang laban.

Karamihan ay hindi sumasang-ayon
batas itama ang mali
maging patas at makatarungan
dahil wala kang karapatang kitilin ang buhay ng taong hindi naman talaga nakagawa ng kasalanan.

Batas maging Patas ka.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now