24: Pinag-uusapan Ka Nila

65 4 0
                                    

“Pinag-Uusapan Ka Nila”

“pinag-uusapan ka nila.”

ngumiti ako sa sinabi niya at sabay sabing, “hindi na bago sa akin ang linyang iyan.”

alam kong pinag-uusapan nila
‘ko—hindi na bago.
marami na akong narinig
mga salitang masasakit.
ngunit hinayaan ko nalang
dahil wala rin namang
mangyayari kung iintindihin
ko sila.

lahat naman ng tao
may masasaabi sa iyo.
kahit maliit na butas kaya
nilang pumasok—ganiyan
ang mga tao, gusto lagi
may napupuna,
dahil doon lang sila
magaling ang mangialam
tungkol sa buhay ng iba.

hindi na bago kung
pag-usapan ka nila.
may mangyayari ba kung
iintindihin mo sila?
wala, hayaan mo sila
at magpatuloy ka nalang
sa buhay.

mas patunayan mo pa
na magaling ka, at higit
ka kesa sa kanila.
isipin mo na kaya ka nila
pinag-uusapan dahil hindi
kanila mapantayan.

sa larangan ng buhay
hindi mo na kailangan
makinig sa sasabihin ng iba.
ang punto dito ay kung paano
mo lalagpasan ang hamon
ng buhay.

na walang negatibo
at puro positibo.
ikaw lang din ang makakaalam
sa totoong takbo ng iyong buhay.
kaya hayaan mo nalang sila
at huwag makinig sa mga
sasabihin ng iba.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now