17: Kapangyarihan Ng Katahimikan

88 5 0
                                    

Kapangyarihan Ng Katahimikan”

Kung magiging bata akong muli
sisikapin ko ng matupad ang
aking mga pangarap—sisikapin
ko ng sabihin ang mga nilalaman
ng aking damdamin.

Hahayaan ko na ang aking sarili
maglaro sa ilalim ng araw at mag
tampisaw sa gitna ng ulan.

Hindi ko na pipigilan ang aking
sarili sa mga gusto kong marating.

Sa puntong ito, hindi ko na alam
kung anong pakiramdam na maging
bata. Na tanging galak at saya ang dala
ng bawat hapon na magdadaan.

Kung noon, maluwag pa akong
nakakahinga.
Nakakaiyak ng malakas at
nakakapag-sabi kung ano nga
bang masakit sa akin.

Tila ang muwang ko sa mundo'y
natabunan na ng mga problema.
Naging tahimik sa aking pag tanda.
Nawalan ng oras maging masaya—
dahil ang oras na meron ako'y
para na lamang sa aking mga
responsibilidad.

Kasabay ng pagputol sa pisi
ng saranggola—ang siyang pagputol
ng aking mumunting mga pangarap.

Totoo nga na habang bata ka palang
hayaan mong maging malaya ang
iyong sarili—lumipad gaya ng mga
ibon sa himpapawid.

Magsaya na para bang wala ng bukas
dahil ang bawat oras at panahon ay
lumilipas—natatabunan na ang mga
maliliit na kasiyahan.

Sana, hindi kayo maging katulad ko
nilipas na ng panahon ang mga ngiti—
nawalan na ng pagasang maging masaya
dahil ang bawat parte ng aking pagkabata
ay matagal ng nanahimik.

Naging makapangyarihan na ang katahimikan—dahil ito na ang
aking kasalukuyan.

Wala na ang dating ako—
wala na ang batang masiyahin noon.
Dahil ang bata noon ay isa
na lamang mula sa musmos kong
kaisipan.
Na nagtatago dahil sa madilim
na kaniyang pinagdaanan.

Sa ngayon, hahayaan ko na lang gumaling
ang aking panloob na kabataan at maging
malaya katulad ng aking mga nakasanayan.


          .・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now