Kabanata 3

43 1 0
                                    

Nia's POV:

Kinabukasan ay naging abala sina Lola.Nagpunta sila sa farm kasama sina Mama.Gusto ko mang sumama pero dinatnan naman ako ng buwanang daloy.

Ito ako ngayon nasa terasa at hinahalungkat ang mga gamit na aking dinala.Hinahanap ko ang mga camera lens na nailagay ko lang naman sa bag.Ngunit sadyang napakamalas at di ko man lang mahanaphanap ito.

"Hayst there you are.Nandito ka lang pala.I thought nailagay kita sa  malaking bag na iyon."

Naroon lang pala ito sa pouch bag ko.
Ikinabit ko ang lens sa camera at pumwesto upang makahanap ng maaaring makuhanan.

Inulit-ulit ko pa ang pagzo-zoom sa camera hanggang sa nagulat ako sa aking nakita.
Hindi ko na click ang camera dahil sa bilis ng pangyayari.Muli kong tiningnan ang screen ngunit ni bulto ng kung ano ay wala na doon sa kakahuyan.

What is that?

Alam kong nakatutok lang yung isang lalaki sa akin.Na parang kanina pa ako tinitingnan.Sino iyon?

Nagugulumihanan ma'y binalewala ko nalang ito at bumaba matapos kong iligpit ang mga gamit.
Wala pa sila Mama pero naririto naman si Maya.Mukhang nagpaiwan ang batang 'to para samahan ako dito sa bahay.

"Maya kumain ka na ba?"

Agaran itong lumingon nang marinig ako.

"Opo ate kanina pa po.Eh ikaw ate kumain ka na po ba?"
Anito habang nagwawalis ng sahig.

"Hindi pa eh.Kaya nga ako bumaba para kumain.May pagkain bang nailuto si Lola,Maya?"

Tumango ito at sinamahan akong pumunta sa kusina.

"Kanina nagpaluto si Lola ng adobo at sinigang na baboy.May natira pa naman ate.Diyan ka lang po at ipagkukuha kita ng makakain."

"Oh no ako na.Kaya ko na."

"Sige po ate."

Pinabayaan niya akong gawin ang gusto ko habang siya nama'y nakamasid lang sa akin.Naupo ako habang siya naman ay pinagpapatuloy ang gawain niyang naiwan sa sala.

Binuksan ko ang cellphone tsaka pinagmasdan ang mga nakuha kong litrato kahapon.Iu-upload ko ito kapag nakapagpasignal na ako.Kapag nagustuhan ito ni Manager ay baka ikuha niya ulit ako sa isang project.Sana nga't mangyari iyon.

"Hi Nak!"

"Ma,andito na pala kayo."

"Rambutan oh."

Isang supot ng rambutan ang ibinigay niya sakin.Favorite ko pa naman ito.Noong bata pa ako ito na yung nabungaran kong akyatin palagi.Noon meron kaming puno ng rambutan sa Manila doon sa subdivision.Pero kalaunay pinutol ito dahil kinakailangan.

Iniabot ko ang ibang rambutan kay Maya pero may isang supot din siyang pinatingin sa'kin.Napangiti ako.

Matapos kumain at maghugas ay naisipan kong maglakadlakad sa likod ng bahay.Ngayon ko lang din ito napuntahan dahil sa tinatamad akong bumaba kanina.Sanhi ata ito ng menstruation.

Dala-dala ang isang supot ng rambutan,habang kumakain ay pinagmamasdan ko rin ang mga gulay at bulaklak na tanim ni Lola.Kaharap nito ang kakahuyan na may layong isang metro sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ngunit parang may nag-uudyok sa akin na puntahan iyon.Pero sadyang tinatamad ako dahil maglalakad na naman papunta doon.

Isang malaking puno na hatik na hatik sa bunga ang aking nabungaran mula dito hanggang doon sa kakahuyan.Kitang-kita naman kasi dahil sa mga malalaking bunga na nakalambitin sa itaas.

Kung wala lang sana akong...hay.Di bale nalang.

___

Dahil sa pagkabagot,lumabas ako ng bahay dala-dala ang cellphone at camera.Nagpunta ako ng kalsada at muling pinagmasdan ang mga bahay na nadaanan namin ni Mama kahapon.

Pinasama naman sa akin ni Mama si Maya at yung si Lucas hindi pinayagan ni Aling Martha dahil may ipapagawa siya dito.

Hinayaan kong gamitin ni Maya ang cellphone ko dahil wala siya nito.Napag-alaman ko ring magaling itong kumuha ng litrato.May potensyal siya sa photography.

Naikwento pa niya sakin habang kami'y naglalakad na ginagawa daw siyang photographer ng mga kaibigan niya sa school.Same as mine noong high school pa ako.

"Ibibigay ko sayo yung iPhone ko.Mas maganda yung gamitin sa pagkuha ng litrato."
Sabi ko dito.

"Talaga ate Nia?Sure ka?"
Di makapaniwalang tanong niya sa'kin.

"Oo nga sabi.Sayo na yun.Ginagamit ko lang din naman yun kapag nagpupunta ako ng beach.Pero may isa na akong phone eh.Kaya sayo nalang.Mamaya pagdating natin sa bahay ibibigay ko sayo."

"Salamat ate Nia.Salamat talaga.Hulog ka ng langit sa akin."
Natawa ako ng mahina.

Masaya itong yumakap sa akin at nagpasalamat.Noon ko pa talagang gustong ibigay ang mga gamit na nakakalimutan ko nang gamitin.Ang kaso ay hindi ko alam kung kanino ko ibibigay.Kaya nang malaman kung gustong-gusto ni Maya maging photographer,naisipan ko nalang na ibigay ito sa kaniya.

Kinukuhanan ko ang mga nagdadaang mga tao sa malayo,maging ang mga bahay na magkakapareho lang ang disenyo,mga halaman at ang mga batang naglalaro di kalayuan sa amin.

Sumagi sa aking isip ang kakahuyan sa likod ng bahay ni Lola.Kaya di ko maiwasang sabihin iyon kay Maya.

"Sa kakahuyan?Eh ate sabi ni Lola,pumunta na kahit saan wag lang sa kakahuyan.Baka kasi..."

"Baka ano?"

Napalunok ito dahil sa tinging ipinukol ko sa kaniya.Ano bang meron sa kakahuyan at parang natatakot sila doon.Kanina lang naman ay may nakita akong tao doon ah.

"Eh ganito kasi yun ate.Masamang pumunta doon lalo na't biyernes ngayon.Araw ng mga maligno."

Napairap tuloy ako sa ire dahil sa narinig.Seriously,naniniwala pa sila doon?

"At naniniwala ka naman?Kwento-kwento lang yan sa'tin ng mga matatanda para takutin tayo.Hindi naman totoo ang mga maligno eh.Halika na."

Kinakamot nito ang ulo na nag-iisip pa kung sasama ba.Kalaunan ay tumango ito't pumayag na samahan ako.

Habang naglalakad kami patungo sa kakahuyan napapansin kong nauuna na akong maglakad papasok habang si Maya naman ay nasa likuran kong parang nagdadalawang-isip sa pagsama sakin.

Napabuntong-hininga ako tsaka siya hinarap.

"Fine.Umuwi ka nalang sa bahay,Maya.Sabihin mo na rin kay Mama na nandito lang ako sa likod ng bahay kumukuha ng mga litrato,okay?."

"Eh ate pano ka?"

Wala akong pasensiya pagdating sa ganito pero dahil bata itong aking kausap ay pinigilan ko ang aking pagkairita.

"I can handle myself.Sige na."
Ibinalik niya sa akin yung phone ko at tumalikod.

Nilingon pa niya ako habang naglalakad paalis ng kakahuyan.Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay dumiretso ako ng lakad.Sinusunod ko ang trail papasok,kinukuhanan ng litrato ang bawat bulaklak na aking nakikita at pati na rin ang mga ibong nagsisiliparan.

Sa aking kawalang malay ay nabundol ko ang sino kaya nauntog ang aking noo sa camera'ng hawak.

"Aray ko."

🌿


MarahuyoWhere stories live. Discover now