Kabanata 7

33 2 0
                                    

Warning SPG alert!!
______________________

Nia's POV:

'Nia,aking Binibini.'

Nasaan ako?Bakit parang ang garbo ng kwartong kinalalagyan ko ngayon?

'Nia.'

Napaharap ako at isang malaking salamin ang bumungad sa aking paningin.

Pinagmasdan ko ang aking sarili.Nakasuot ako ng isang off-shoulder na white dress at kitang-kita ang hubog ng aking katawan.

Sa likod ko naman ay naroroon si Xavier na agad akong niyakap.Napapikit ako dahil sa mu-munting halik na iginawad niya sa aking pisngi.

'Napakaganda mo aking Binibini.'

Napangiti ako sa kaniyang sinabi.
Napasinghap naman ako sa sunod niyang ginawa.Hinahalikan niya ang aking balikat,hinawi ang buhok sa bandang leeg at napadaing ako nang halikan niya ito.

'Ohhh'
Ungol ang siyang lumabas sa aking bibig nang sinimulan niyang sipsipin ang gitnang bahagi ng aking leeg.
Patuloy pa niya itong ginagawa.
Muli akong napaungol...

'Ohhhh Xavier'

At tuluyan niya na akong hinarap para gawaran ng isang halik sa labi.

'Hmmm'

Nahimigan ko ang pag-ungol niya.
Hindi naman ito nagtagal,hingal na hingal ako nang kumalas ang kaniyang labi sa akin.

'Gising na,umaga na,aking Binibini.'

Napabalikwas ako ng bangon sa kama.

Darn,panaginip.

Hayst.Kinikilig naman akong tumayo at dumiretso sa banyo.
Napagpasiyahan ko na ring maligo since nangangati na ang balat ko.

Nang mahubad ko na ang damit pang-itaas ay napasinghap ako.
Nakikita ko sa salamin ng banyo ang itsura ngayon ng leeg ko.

"Oh.M.G. Hickey!"

Kinapakapa ko pa ito tsaka pinunasan ng basang tela,pero hindi naman matanggal-tanggal.

"Panaginip ba talaga iyon?Bakit parang totoo naman ata?"

Lagot ako nito kay Mama kapag nakita niya ito.Hayst I need to cover this.

Buong maghapon yata akong nakalugay nito.Ang init-init pa naman.

Naitapon ko ang tela sa lababo dahil sa pagkainis.

"Kasalanang 'to ng engkanto'ng yun."

___

Buong maghapon kong iniiwasan ang mga tanong nila sakin kung bakit ako seryoso at nagtataray.

Ika naman ni Mama,tinutupak na naman daw ako.

Sino namang hindi magagalit sa nangyari?Eh hanggang ngayon hindi pa bumabalik sa maayos na kondisyon itong leeg ko.

Anong gayuma ba ang ginawa ng lalaking iyon at nagkakaganito ako?Pagminamalas ka nga naman.

Hinintay ko talagang gumabi at tumambay sa terasa ng may inis sa mukha.

MarahuyoWhere stories live. Discover now