Kabanata 19

23 0 0
                                    

Nia's POV:

Nakarating agad kami sa kwarto ko pero wala doon ang aking katawan. Kinabahan ako dahil napakatahimik ng paligid.Nasaan ang katawan ko?

Lumitaw sa gilid ni Xavier si Xenon.

"Nasa baba ang iyong katawan,naroroon binabantayan ng iyong ina at ng iyong Lola."

Nakahinga ako ng maluwag.Thank God okay lang ang katawan ko.

"Pero may kasama sila."
Napabalik ako ng tingin dito ganun din si Xavier.

"Sino?"

"Ang manggagamot sa lugar na ito.Mukhang kilala mo iyon,binibini.Hindi ako makalapit sa kanila,may pananggalang silang ginamit."
Saad nito tsaka bumaling ang tingin kay Xavier.
"Xavier,tapos na ako dito.Tinulungan na kitang puksain ang mga kutong-lupang iyon.Pwede na akong umalis."

Diretso nitong sabi ng walang pag-aalinlangan.Hahakbang na sana ito nang magsalita si Xavier.

"Huwag ka munang umalis may sasabihin pa ako sayo."

Kunot naman ang noong nagtitigan ang dalawang magkapatid.Napalunok ako ng laway sa hindi malamang dahilan.Ewan ko,pero napapansin kong iba ang tumatakbo ngayon sa isip ni Xavier.Huminga muna ito ng malalim,parang importante yata ang bagay na kaniyang sasabihin.

"Pakisabi kina ama at ina...mahal ko sila. Sayo ko na ililipat ang trono,Xenon."

"Ano?!"

Nagulantang ako sa kaniyang mga binitawang salita.Anong ibig niyang sabihin sa bagay na iyon?Kita ko ang tensiyon ng kapatid na parang sasabog na.

"Desidido na akong ibigay na lang iyon sa iyo. Xenon,may tiwala ako sayo. Gusto ko man na maging hari pero... pinipili ko na ang manirahan kasama si Nia."

"Nahihibang ka na ba ha?!"

Inawat ko si Xenon dahil parang may balak pa itong sugurin si Xavier.
Bakit ganun nalang ang naging desisyon ni Xavier?I mean,oo mahal namin ang isa't isa at proud ako sa kaniya pero ang marinig na magiging hari siya pero ibinibigay na niya iyon sa kaniyang kapatid... parang ako yung nasasaktan at feeling ko kasalanan ko ito.

"Hibang na kung hibang Xenon,pero mahal ko si Nia. Alam kung hindi mo ako maiintindihan,iba ang dala ng pag-ibig Xenon. Kapag naramdaman mo ito sa kung sino,wala ka nang magagawa kundi ang magsakripisyo."

"Pag-ibig.Tsk,talagang di kita maiintindihan dahil wala sa bokabularyo ko iyan. Pero ang ipasa mo sakin ang dapat na iyong responsibilidad... mali iyon!Xavier alam mong wala akong balak maging hari, gusto ko maging malaya!"
Tinapik nito ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso.
"Ano bang ginawa mo diyan sa kapatid ko?Ginayuma mo ba siya?!"

"Xenon!Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganiyan si Nia!"

Nagulat ako sa pagtaas ng kanilang boses.Mabilis naman na pinalapit ako ni Xavier gamit ang kaniyang mga kamay.Kita ko ang galit na galit nitong itsura habang si Xenon naman ay parang natauhan sa kaniyang inasta. Alam kong may kabaitan din ito pero sa puntong ito mukhang umuusbong ang galit nito dahil sa kapatid.

"Tama na iyan. Kasalanan ko ito kaya kayo nag-aaway eh."

"Wala kang kasalanan Nia."

Katahimikan ang nayamani sa kanilang dalawa.Napahilamos ng kaniyang mukha si Xenon na parang sukong-suko na ito.I felt bad about this situation. Hindi sana ito nangyayari. Alam kong ako din naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Xavier,masaya ako na ako ang pinili niya pero ang makita ang kamiserablihan ng kapatid niya... nakaka-guilty.

"Xavier... kailangan mong maging hari.Iyon...ay para sa ikabubuti naman diba ng lahat?Ayos lang ako dito,kung nag-aalala ka sakin na baka may masama ulit na mangyari,hindi na ulit iyon mangyayari.Mahal kita at alam mo iyan,magiging masaya ako kung susundin mo ang dapat na makabubuti para sa iyo."

Napakagat-labi ako, pinigilan ko ang mga luha na namumuo sa aking mga mata. Kailangan kong sabihin iyon para bumalik siya sa kanila at tanggapin ang pagiging hari. Labag man sa aking kalooban ngunit... naalala kong engkanto siya habang ako nama'y tao. Alam kong ipinagbabawal ang pag-iibigan naming ito.

"Anong ibig mong sabihin?Ayaw mo ba na makasama ako?Naisip mo ba na ginagawa ko ito dahil ito ang gusto ko, at masaya ako kahit anong bagay pa na malaki ang isakripisyo ko makasama lang kita? Pero...sa mga sinabi mo parang pinapalayo mo na ako. Kung--"

"Tama na!W-wag mong paiyakin ang binibini.Tama na itong marinig ko ang mga salita niya,nakikita ko na... kaya gusto mong piliin siya. Tinatanggap ko na ang trono."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.Hinarap ko ito. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sakin pero ang mga mata'y parang nagsasabing ayos lang,na hindi ko na kailangang umiyak.Hindi ko man alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon,pero nakikita kong ayaw niya akong umiyak sa kaniyang harapan.
Maswerte ang babaeng maiibigan niya kung sakali.

"Xenon..."

"Kapag pinaiyak mo ang binibini ako ang makakalaban mo Xavier."
Kanina lang sinigawan ako nito.Ngayon nama'y naging mabait. Pati si Xavier ay pinagbabantaan na.
"Nakikita ko sa kalooban niya na siya ay mahina sa ganitong mga pangyayari. Kaya kung maaari'y ingatan mo siya."

"Gagawin ko naman talaga iyan. Bakit parang pinagbabantaan mo pa ako?Alam ko na naman ang aking gagawin. Magiging maayos sa piling ko si Nia."

Ano kayang ibig sabihin ni Xenon sa mahina ako sa ganitong mga pangyayari?Isa lamang akong babae pero tinuruan ako ng aking ama na maging matatag sa bawat oras.
Iwinaksi ko nalang ito sa aking isipan dahil tila ako ay inaantok na.
Napahikab ako.

"Kailangan mo nang bumalik sa katawan mo binibini."
Saad ni Xenon at tumingin kay Xavier.
"Mauuna na ako."

Isang tango lang ang sinagot ni Xavier tsaka ito naglaho na parang bula.
Bumalik kami sa realidad,kailangan ko nang puntahan ang katawan ko. Kaya para hindi mag-aksaya ng oras ay ginamit ni Xavier ang kaniyang kapangyarihan para agad na makarating sa sala.

(ITUTULOY)

🌿








MarahuyoWhere stories live. Discover now