Kabanata 12

24 2 0
                                    

Nia's POV:

Masamang tingin ang ipinukol sa akin ng dawang matatanda.Sino pa ba edi sina Lola at Mama.Pero kapag kay Xavier sila tumitingin hindi naman masama kundi ngiti ang ibinibigay nila.Magkatabi kami ngayong nakaupo sa malaking sofa dito sa sala.Kaharap namin sila Mama na parang mang-iimbestiga.
Wala namang salarin.

Nakabusangot ang mukha ko nang mag-umpisa si Lola.

"At sino itong poging bisita mo,iha?"

Kita ko pa sa peripheral vision ko ang pagngiti ni Xavier kay Lola.Ito parang walang kaalam-alam na ginigisa na kami.Tapos ito ako nababagot tapos siya chill lang.

"La,si...si Xavier po."

"Magandang gabi po sa inyo."
Nakangiting bati ni Xavier.Nangiti din ang dalawa,kaya napairap ako.Ginagamitan ba niya ng kapangyarihan sina Lola?Kung ganun bakit di niya ako isali para di din sila parang galit sakin.

"Manliligaw ka ba ng apo ko,iho?"

"La!"

"Tumahimik ka Nia Ayla."
Isa pa to si Mama.Kala mo kung sinong plastik eh.

"Opo,manliligaw po ako ng apo niyo."

Darn thing.Isa pa tong kutong lupang 'to.Nang-aasar din eh.

"Aba't kailan pa?Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin,Nia?"

"Kasi hindi po kayo nagtatanong.Tsaka...tsaka malimit lang naman po ditong dumalaw si  Xavier.Kayo naman po hehe."

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Lola habang inuusisa si Xavier.May gulat din sa mga mata nito pero nawala din kaagad.May napansin ba siya kay Xavier?Alam na kaya niya kung ano ito?

"Tagasaan ka ba iho?"
Seryosong tanong ni Lola.

Katahimikan ang namayani.Isang ngiti ang ibinigay ni Xavier kay Lola at tiningnan ang mga mata nito.

Confirm alam na ni Lola.
Sa bagong reaksiyon palang nito.Makikita mo na ang gulat ulit sa kaniyang mukha.

Ano kayang nangyari?

"Ako po'y galing sa kabilang...baryo.Umaakyat po ako ng ligaw kay Nia tuwing wala po kayong lahat.Kaya ipagpaumanhin niyo ang aking inasal kung hindi niyo agad ako nakilala."

Yumuko pa ito bilang paggalang sa mga nakakatandang kaharap namin.Mabait din pala itong nabingwit ko eh.
Engkanto nga lang.Che okay lang.Di naman siya kagaya ng mga lalaking walang hiya sa daan.Cheaters!

Makapagsalita ako kala mo kung sinong may alam sa lahat eh no?Tss.

"Leonora doon ka muna sa labas o di kaya'y sa taas.May pag-uusapan kaming pribado...maaari ba?"
Naguguluhan ma'y tumayo nalang si Mama at sinunod ang sinabi ni Lola.

Ngayong kami nalang ang naririto ay nagulat ako sa inakto ni Lola.Bigla siyang nangiti kay Xavier na parang matagal na silang magkakilala.

"Ang Mahal na prinsipe ng mga mapuputing engkanto.Ano't bumalik ka at nagpakita ulit sa'kin?Tapos ngayon mababalitaan ko nalang na nililigawan mo ang apo ko?!"
Nagulat kaming dalawa ni Xavier sa pagtaas ng boses ni Lola.Agad ko itong nilapitan at pinakalma.

MarahuyoWhere stories live. Discover now