Kabanata 4

36 2 0
                                    

Nia's POV:

Dahil sa inis na naramdaman ay hinarap ko ang kung sinong pangahas na paharang-harang sa daan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng makakuha sa aking pansin ang lalaking may matangos na ilong,may manipis na labi,may magandang pangangatawan,matangkad at may napakaperpektong mukha.Papaanong may ganitong nilalang sa gubat?Siya ba'y hulog ng langit?

"Lapastangan!"

Nagimbal ako sa sigaw nito.Tila kay lalim ng kaniyang binigkas sa wikang tagalog.Napansin niya atang may tao sa likod niya,unti-unti akong hinarap nito.Ang dating mukhang galit na galit ay ngayong napalitan ng maamong mukha.

Napakurap ako nang tuluyan kung totoo ba ito.Andun pa rin siya sa kinatatayuan niya.Totoo nga.

"Ahh...Ahm,pasensiya na at nabunggo kita."

Bakit ako nauutal?Nahihibang na ba ako?Nakaharap ko lang--

"Ahh...ehem."
Umayos ito ng tindig tsaka pinagpagan ang kasuotang ngayon ko lang napansin.
Baliw ba siya?Bakit parang nakikita ko si Ichigo sa kaniya dahil sa suot niyang balot na balot,kulay puti nga lang ang damit niya.Baliw lang ang nagsusuot ng ganun sa gitna ng kagubatan.

"Tss,mapangahas na tao.Bakit naririto ka sa aming teritoryo?"
Mautoridad nitong sabi sa akin.

Aba't tinawag pa akong pangahas.Sino naman siya para angkinin ang lugar na ito?

"Pasensiya na manong ha.Anong teritoryo ang sinasabi mo?Baliw ka ba?Tsaka why are you wearing like that?Ang init-init tapos ikaw balot na balot.You're insane."
Sabi ko pa habang nakakunot ang noo.

"Anong baliw?Hindi ako baliw,Binibini.At tigilan mo ang kakasalita mo hindi kita maintindihan."
Sabat niya sakin habang nakapamulsa.

Tinaasan ko ito ng kilay tsaka ito pinagmasdan.Ang kaninang maamong mukha nito'y naging istrikto.Kapansin-pansin din ang kaniyang matang kulay birde na naniningkit.Wait?Kulay birde?

"Pwes.Kung hindi ka baliw,edi ano ka?Tsaka makasabi-sabi ka ng teritoryo parang hindi mo naman  pagmamay-ari ang lugar na ito eh."

Humalukipkip ako habang nakataas ang kilay na nakatingin dito.
Aba't hindi din nagpatalo,tinaasan din ako ng kilay.Iba din ang isang 'to ah.

"Dayuhan.Isa kang dayuhan sa lugar na ito tama?Sa mga gamit mong dala."
Sabay turo niya sa hawak kong camera.
"Mukhang ikaw ay taga-siyudad."

Ako nga'y taga-siyudad,ano naman sa ngayon?

"Pake mo kung taga-siyudad ako.Tsaka sino ka ba?Paharang-harang ka pa kanina sa daan."
Nahinto naman ako dahil napansin ko ang kakaibang kinis ng kaniyang balat,malayong-malayo sa akin daig pa ako na ako itong babae.Na-conscious tuloy ako sa balat ko.

Ngunit ngayo'y nagtaka ako nang makita kong may bahid ng dugo ang kaniyang balikat.Nilapitan ko ito nang walang pag-alinlangan.

"Anong nagyari diyan?"
Umiwas ito nang aabutin ko ang kaniyang kanang balikat.

"Pakialamera,umalis ka na nga't gumagabi na.Baka iba ang makasalamuha mo ngayon."
Napatingin ako sa orasan at napaisip sa kaniyang sinabi.

Oo nga't malapit nang gumabi.Pero iiwan ko nalang ba itong taong 'to na duguan?Nakakakonsensiya naman kung ganun.Kasalanan ko naman din kasi di ako tumitingin sa daan.

Iwinaglit ko iyon sa aking isipan tsaka siya nilingon.Naabutan ko siyang nakatingin sa akin nang masinsinan.

"Problema mo?"

Pansin ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.Kainis bakit ba ang gwapo niya?

"Umalis ka na.Sige na."
Napatingala ako sa kaniya.Ang tangkad naman kasi.

"Fine.Magkita tayo bukas dito.Tsaka yang sugat mo sa balikat.Pano yan?"
Sabay turo sa balikat niyang duguan.

"Kaya ko na ang sarili ko,Binibini.Maaari ka nang umalis.At pasensiya na hindi ako makikipagkita sayo bukas.Para saan naman? Eh hindi naman kita kilala."

Napairap ako.Fine.Bahala siya sa buhay niya.

"Siya sige.Mauna na ako.Mag-iingat ka sa daan,Ichigo."
Hindi ko naman alam yung pangalan niya kaya yun nalang.Kunot noo itong napatango sakin.

Di na ako nag-atubiling hintayin ang kung anong sasabihin nito,umalis na ako doon at bumalik sa bahay.Dumaan ako sa likod ng bahay para hindi na magtaka sina Mama kung saan ako nanggaling.

Nakakailang talaga yung mga titig niya sa akin kanina.Yung tipong parang kinikilatis niya ang pagkatao ko bago ako umalis.Saan kaya nanggaling ang lalaking iyon?

Naputol ang aking pag-iisip nang tawagin ako bigla ni Lola.

"Saan ka nanggaling apo?Bakit nakakunot iyang noo mo?"
Itinuro pa niya ito kaya umiling ako.

"Wala ito La.Nagpunta lang po ako sa harden niyo.Tamang kuha ng mga magagandang tanawin,alam niyo na."
Iminuwestra ko pa dito ang camera para maniwala.Ngingiti-ngiti din para paniwalaan.

Napakasinungaling ko talaga.

"Ay ganun ba iha?Hala ipakita mo nga sa'kin kung ano yung mga nakuhanan mo?"
Wala naman talaga akong kinuhang litrato doon kanina sa harden.Pero siyempre hindi ko ipapakita ito kay Lola,baka aksidente ko pang ma-scroll yung screen tapos kasunod na larawan pala ay yung sa kakahuyan.

Matinding sermon ang aabutin ko kung mangyayari iyon.

"Naku La.Pasensiya na po.Lowbat na po kasi itong camera ko.Tsaka nakalimutan ko rin pong i-charge ito.Sorry po hehehe."
Palusot ko naman.Pero sa kalooblooban ay napapairap ako.Hindi ko gawain ang magsinungaling sa matatanda.

Pero dahil ito'y isang emergency,then why not?

Nagpaalam ako kay Lola na aakyat na ako sa taas para magbihis.Gusto pa sana niyang makipag-usap sa'kin nang sabihin kong napagod ako kakalakad.Hindi naman siya tumutol kaya pinabayaan niya nalang ako.

Pagpasok ko palang sa loob ng kwarto ay nahiga ako sa kama.Tinanggal ko ang camera'ng nakasabit sa aking leeg at tumihaya.

Bumalik sa aking isipan ang itsura ng lalaking nakita ko sa kakahuyan.
Ang tangkad niya masyado,yung makasalanan niyang ilong na matangos...pero may napagtanto ako sa kaniyang mukha.

🌿




MarahuyoWhere stories live. Discover now