Kabanata 15

26 1 0
                                    

Nia's POV:

Anong oras na pero di pa rin ako makatulog.Kahit anong posisyon ang gawin ko hindi pa rin ako inaakyat ng antok.Pagulong-gulong,pero wala...paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko yung nangyari kanina.

"Ahhh."
Ungol ni Xavier nang halikan at sipsipin niya ang dalawa kong bundok na aking ikinaliyad.

Kagat-labi kong tiningnan ang posisyon niya sa ibabaw ko.Naka-topless lang ang engkantong pumapapak ng isa sa mga pribadong parte ng katawan ko.

Naihagod ko ang aking mga kamay sa buhok at sinabunutan ito.Hayst,pati ba naman yun inuulit pang pinapakita na parang boomerang yung eksenang iyon sa utak ko.

"Argh!"

Bwisit na Xavier iyon!Kung hindi siya...Hindi siya nang-akit gamit ang mga abs na tinatago niya sa ilalim ng kaniyang damit hindi sana yun nangyari!Kasalanan mo din naman yun,nagpaakit ka rin naman.

"Hay!Nakakahiya!"

Napalingon ako sa orasan na nasa study table.Tae...11:30 na.Hay utak magpatulog ka naman.
Gawain na yata ng mga engkanto ang mang-akit.Pati ba naman iyon...nagawa ba talaga namin itong bagay na iyon?

"H-hanggang dito lang muna tayo.Hanggat nakokontrol ko pa sarili ko.Ka-kailangan...hmmm."
He's kissing me down there.Sinisisid niya ang kabuuang meron ako.Kaya napapaliyad ako at napapakapit sa headboard dahil sa...sarap?Hanggang dito lang muna kami.Dahil ipinagbabawal sa kanila ang gawin yun...Yung bagay na bawal hanggat hindi naikakasal. Mukhang kagaya ko,strict din ang parents ng lalaking 'to.

Okay lang kaya ang lalaking iyon?Wala akong nagawa matapos niyang umalis ng walang paalam at iniwan akong hinang-hina habang nakahiga sa kama.Nawala nalang siya na parang bigla.

Inayos ko na lang ang sarili ko at pinilit na matulog kahit late na masyado.

***

Third Person's POV:

Mahimbing na natutulog ang dalagang si Nia. Matapos ang nakakapagod niyang gabi'y maayos na nakahiga ang kaniyang katawan sa higaan.Ngunit ang nakakapagtakay di man lang gumagalaw ang dalaga.
Parang walang malay itong nakahiga lamang at natutulog.

Isang maitim na usok ang unti-unting bumubuo sa kaniyang paanan at nag-anyo bilang tao.Pero ito nga ba ay tao?Kung ang itsura nito'y masyadong maitim, tanging ngipin lang nito ang mapuputi at ang mga mata'y mapupula. Ngunit may angking kagandahan rin ang pagmumukha sa likod ng nakakatakot nitong presensiya.

Nakakatakot ang ngiti nito habang nakatangin sa katawan ng dalaga.Tila ba'y nais nitong hagkan at yakapin,ngunit hindi niya magawa-gawa dahil sa amo'y na umaalingasaw ng isang puting engkantong nakadikit na sa katawan nito.

"Nia,kay gandang pangalan maging ang nagmamay-ari nito."
Ikinumpas nito ang mga kamay at dahan-dahang inilabas ang kaluluwa ng dalaga sa katawan nito.
"Nakalimutan ata ng prinsipeng iyon na bantayan ka sa oras na ito.Tila'y umaayon sa akin ang tadhana."
Malakas ang boses nitong humalakhak na parang demonyo.

Unang nasilayan niya ang dalaga sa talon kung saan siya namamalagi.Naroroon lamang siya sa punong balite upang makapaghanap ng mabibiktimang dilag.At saktong pagdating ni Nia, ay nabighani siya sa ganda nitong taglay.

"Kay gandang binibini."May pag-iingat nitong idinampi ang kamay sa mga pisngi nito nang maagap niyang buhatin ang kaluluwa ng dalaga.
"Ano kayang mangyayari sa prinsipe kung ang babaeng pinakamahal niya'y... gagawin ko ding reyna?Hahaha."Ang nakakatakot na halakhak ay muling namayani sa loob ng kwarto.Napamulat naman si Nia dahil sa narinig na ingay na malapit lang sa kaniya.

Gulat ang rumihestro sa kaniyang mukha at takot na rin dahil sa mukhang nasilayan niya.

"Sino ka?!B-Bakit mo ko binubuhat?!Bitawan mo ko!"

Marahas siyang kumakawala sa mga bisig nito ngunit kahit anong gawin niya'y malakas ang nilalang na ayaw siyang pakawalan.
Tumawa ito ng mahina na ikinahinto niya.

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay nang maiharap siya dito.At ilang dangkal nalang ang layo ng kanilang mga mukha.Isang ngiti ang nakapaskil sa mga labi nitong mapupula.

"S-sino ka?"

Sa wakas ay nakapagsalita na siya.Nakakatakot ngang isipin na isang maitim na maligno ang nasa harap niya ngayon kagaya nung nakalaban ni Xavier ngunit di rin mawala-wala sa kaniyang paningin ang angking kagwapuhan ng kaharap.Naiiling na napaiwas siya ng tingin dahil sa iniisip.

'Pati ba naman mga ganitong maligno pinagnanasaan mo pa,Nia?!Nasa bisig ka na ng mukhang kamatayan,malandi ka pa rin!'
Pukaw niya sa sarili.

"Ako si Magnus,binibini."
May nakakalokong ngiti nitong sagot sa tanong niya.Isang magandang pangalan para sa isang pangit na nilalang na ito.Nakikinita niya sa isip na maaaring may masamang balak ito sa kaniya.

"M-Magnus?"

"Kay sarap palang pakinggan ng pangalan ko kapag mula na ito sa iyong bibig,binibini.Napakasarap pakinggan."
Napakagat-labi pa itong inayos siya sa pagkakabuhat na ikinangiwi niya.
Nangasim pa ang kaniyang mukha dahil kala mo'y ikinaganda ng maligno ang ganitong gawain.

Binuhat siya nito na parang isang sakong bigas na ikinagalit niya.Muling tumambol ang kaniyang puso sa kaba.Maaaring ikapahamak nga niya ito at kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

"Bitawan mo ko sabi!Ano ba!Ma!Tulong!Lola!"

"Kahit anong sigaw at hingi mo ng tulong ay walang makakarinig sa'yo."

Nagsimula na naman ulit siyang kabahan kaya naging malikot siya at binugbug ang matikas nitong likod para lang siya makawala.
Isang nakakatakot na tawa lang ang namutawi sa bibig nito na ikinahinto niya.

"Walang magagawa iyang pagsuntok mo sa likod ko.Mangangalay lang ang iyong mga kamay,binibini.Kaya kung ako sayo eh...ay umayos ka."

Tumalikod ito at nagsimula nang humakbang.Ngunit siya'y natulos dahil sa nakikita niya. Ang kaniyang katawan na nakaratay sa higaan na parang walang malay,hindi gumagalaw at mahimbing na natutulog.Maingat na itinaas niya ang mga kamay at maigi itong tiningnan.

'Kaluluwa nalang ba ako?Anong ginawa niya sa katawan ko?Bakit ako naririto habang naroroon ako sa kama?!'
Naghe-hestirekal na saad niya sa isip.

Tuluyan na nga siyang napahikbi dahil sa takot na naramdaman.But the man just grin like nothing happened.Parang gusto pa nito na nasasaktan siya.

"Magiging maayos din ang lahat binibini."

"Magiging maayos?!Sino ka ba talaga?!Anong kailangan mo sakin?Ano?!"

"Para sa isang binibining katulad mo... ang ingay ng bibig mo at dami mong tanong.Manahimik ka nalang diyan!"

And just a snap of a man's fingers,everything becomes different.Nasa ibang lugar na sila at napapaligiran ng mga nagkikinangang mga bagay maging ang mga halaman.Tuluyan na nga siyang kinuha ng malignong itim na ito.At ang naisip nalang niya ngayon ay ang kaligtasan niya maging ang lalaking makakatulong sa kaniyang makaalis sa napakahiwaga at nakakatakot na mundo ng mga engkantong itim.

"X-Xavier."

🌿



MarahuyoWhere stories live. Discover now