Kabanata 13

28 2 0
                                    

Third Person's POV:

Nasa sala at pinag-uusapan nina Xavier at ang Lola ni Nia ang masamang nangyari kani-kanina lamang sa loob ng kwarto nito.May pag-aalalang nakatingin ang matanda kay Xavier.

"Anong ginagawa nila sa pamamahay ko at sa kwarto pa talaga ni Nia iyon pumasok?"
Naghe-hestirekal na sabi ng matanda at sapung-sapo ang noo dahil sa pagkagulat.

Agad namang ginamit ni Xavier ang kapangyarihan para pakalmahin ito.

"Salamat iho."

"Walang anuman ho."

Naupo pabalik si Xavier sa dating kinauupuan at muling hinarap ang dating Reyna na ngayo'y muli niyang nasilayan matapos ang ilang taong pag-alis nito sa kanilang kaharian upang mamuhay sa labas.Huminga siya ng malalim bago isiniwalat dito ang totoong pangyayari.

"Muli akong bumalik dito dahil sana'y dadalawin si Nia ng palihim.Hindi sana ako magpapakita ngunit may napansin akong nakasunod sa kaniya...at aking ikinapagtataka'y hindi ito makalapit sa kaniya.Sapagkat may suot-suot na kwentas si Nia na ibinigay daw ng isang matanda.At hindi ko alam kung sino iyon."
Napalunok muna siya bago muling nagsalita.Nakikinig naman ng mabuti ang matanda sa kaniya.

"Nanatili ito sa kwarto ni Nia kaya't sinunggaban ko agad ito ng aking kapangyarihan,ngunit natamaan din ako ng suntok galing dito.Masiyado na silang malakas di gaya dati.Ginamit nito ang kapangyarihang ngayon ko lang nakita at naramdaman,kaya nagkaroon ng mga butas ang aking damit at nagkasugat ang aking katawan."

Nagtataka man ay napaisip ang matanda na sa katagalan ng kaniyang pag-alis,mukhang lumaki na ang impluwensiya ng mga ibang nilalang na may masasamang balak sa mga tao ngayon.

Unti-unti niyang naikubli ang dating mga naging kalaban ng kaharian.Talagang malalakas ito.At may ikalalakas pa talaga kapag may sumaping traydor,kung sino man, ay siguradong sa mga itim ito nanggagaling at nagpapanggap lang bilang impostor.

Napabuntong-hininga siya.

"At anong dahilan naman nila para gawin iyon sa aking apo?"

Huminga ng malalim si Xavier dahil mukhang mahihirapan siyang ipagtapat dito ang lahat.
Ngunit napagtanto niyang kailangan itong malaman ng Lola ni Nia para sa ikabubuti na rin ng kaniyang kalooban.

"Mukhang napag-alaman na nilang kasintahan ko na ang iyong apo."

"Kasintahan?! Kanina'y nililigawan ngayon nama'y kasintahan?!"

Kagat-labing hinarap niya ang matanda saka nagbigay paumanhin dahil sa kaniyang pagsisinungaling.

"Paumanhin dating reyna.Ngunit...ganun na nga po ang aming relasyon ng iyong apo.Aray ko!"

Isang kurot sa tagiliran ang ibinigay nito sa kaniya.Napakamot naman siya sa batok at nahihiyang napatingin dito.

"Aminin mo nga sa'kin.May ginawa ka na ba sa apo ko?"

Laglag ang balikat ng matanda sa pagtango ni Xavier.Wala na siyang magagawa dahil sa pagkadismayang naramdaman.

"Akala ko pa naman isang mabuting tao ang makakatuluyan ng apo ko.Sakin din pala nagmana at..."
Tiningnan siya nito."Hay naku,mamamatay ako ng maaga sa inyo!"

"Halik lang naman ang iginawad ko,dating reyna.Wala na pong iba.Ayoko pong samantalahin ang inyong apo dahil sa meron akong kapangyarihan.Nais ko man po siyang idala sa kaharian ko...ngunit."
Muli'y napa buntung-hininga siya.
"Hindi ko po ata magagawa iyon...sapagkat ipinagbabawal ang aming pag-iibigan sa mundo na ito."

"Alam ko iho.Kapag nalaman ito ng mga magulang niya,maaaring ilayo nila sayo ang aking apo."

"Isa ako sa mga magiging hari,dating reyna."Naiyuko niya ang kaniyang ulo at may bahid ng lungkot ang mga matang pinagmasdan ang sahig.
"Kapag hindi ako nakahanap ng babaeng maipakilala sa hari at reyna, maaaring ibang babae sa kaharian ang magiging kabiyak ko...kahit hindi ko pa ito mahal.Mahirap po ito lalo na't mahal na mahal ko na po ang inyong apo."

Lumapit ang matanda dito at siya'y inakbayan.Napalingon siya dito saka nginitian ng kay tamis.Parang Lola na rin ang turing niya dito.Simula pa noong bata pa siya,ito na ang naging isa sa mga hinahangaan niya pagdating sa pamumuno lalo na't mahilig ito sa mga bata.

"Iho,alam kong mahal mo ang apo ko.Base sa inyong ipinapakita,mukhang tuluyan na kayong nahulog sa isa't isa.Pero kagaya sa akin,kailangan mong pumili.Ang trono o ang minamahal mo?"

Kunot ang noong iniwan siya ng matanda doon.Naroroon pa rin sa isipan niya ang sinabi ng matanda.Gulong-gulo ang isipan kung ano ba talaga ang dapat gawin.Kaya't dapat niya itong pag-isipan.

___

Nia's POV:

Parito't paroon ako sa loob ng kuwarto.Hindi pa rin sila natatapos sa pag-uusap.May ginawa kaya si Lola kay Xavier?

Isang katok sa terasa ang nagpalingon sa akin.Agad kong binuksan iyon at tumambad ang malungkot na mukha ni Xavier.

Pinapasok ko siya sa loob at sinara ang glass door.

"Anong nangyari?May ginawa ba sayo si Lola?Ehhh...may masama bang nangyari kaya ganyan ang itsura mong parang pinagsukluban ng langit at lupa?"
Sa dami kong tanong isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin.Sabay yakap at isiniksik ang mukha sa aking leeg.

"Mahal kita,Nia.Tandaan mo iyan."
Pansin ko ang pagbuntung-hininga nito.
Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg nang humarap ito sa akin.Pinagmasdan namin ang isa't isa.

"Ang pogi mong engkanto."
Agad kong tinakpan ang aking bibig dahil napalakas aking pagkakasabi nun.Gosh kakahiya.

"Pogi ha.Kay ganda mo rin aking...Mahal."

Umiwas ako ng tingin dahil umiinit ang aking pisngi.Feeling ko pulang-pula na ako ngayon.

"Namumula ka yata?Ito ba'y sanhi ng aking sinabi ha... Mahal?"
Sinamaan ko ito ng tingin dahil nang-iinis pa siya.Walanghiya talaga ang lalaking ito,daig pa ang kriminal dahil sa hindi makatarungan niyang tawa.

"Tss,buwisit."

🌿




MarahuyoWhere stories live. Discover now