Kabanata 8

29 2 0
                                    

Nia's POV:

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nakakagulat na mga pangyayari sa akin.

Gabi-gabi akong binabantayan ni Xavier habang natutulog.Wala naman siyang ginawang masama sakin,di gaya sa mga usap-usapan na masasama ang mga engkanto at kinukuha ang mga dalaga upang iuwi sa kanila.Pero iba si Xavier,mabait ito, gentleman at wala akong nararamdamang masama sa kaniya.

Minsan nama'y nagpapaalam pa siya sa'kin na matatagalan ulit ang kaniyang pagbalik dito dahil may mga dapat siyang gampanin sa kanilang kaharian.Hindi naman ako tumutol,wala naman akong karapatan.At ngayon nga'y hindi pa siya nagpapakita sa'kin.

Kasalakuyan akong naglalakad sa kalsada upang puntahan ang bahay nila Aling Martha.Inutusan ako ni Lola na hatidan sina Maya at Lucas ng pagkaing ginawa ng kanilang ina doon sa bahay.Busy sila Aling Martha at tinutulungan si Lola sa kusina kaya ako nalang ang pinapunta.

"May nawawala na namang dalagita sa baryo."
Usap-usapan ng mga Ali sa isang tindahan.

"Napagdiskitahan ng mga engkanto ang anak ni Loyda.Magandang dalaga naman din kasi iyon."
Nagpanting ang aking mga tenga sa narinig.

Napahinto ako saglit at nakinig sa kanilang mga usapan.

"Naliligo lang daw iyon sa may talon,gumagabi na pero hindi pa rin nakakauwi.Sabi naman ni Ka Alberto,eh tuluyan nang sumama ang dalaga sa engkanto dahil sa panlilinlang."

May kinalaman kaya si Xavier sa mga pangyayaring ito?Siya ang prinsipe pero bakit hindi yata niya napipigilan ang mga ganitong pangyayari?

"Ano ba kasing meron sa punong balite na naroon sa talon?"
May sumingit na isang Ali sa kanilang pag-uusap.

"Ay naku,Susan.Kakalipat mo palang kasi dito sa aming baranggay hayaan mo't ikekwento namin sayo sa susunod.Oh siya mauna na ako,magluluto pa ako."
Sabi ng isang Ali at umalis.

Punong balite?Iyon ba yung nakakatakot na puno na pinag-uusapan ng lahat?Totoo kayang doon ang kanilang tirahan o ito'y lagusan patungo sa kanilang kaharian?

Nagtataka ma'y umalis na ako doon.

Pagkarating ko sa bahay nila Aling Martha ay parang ang tahimik ng paligid.

May tao ba kaya dito?

"Tao po!Maya,Lucas.Nandiyan ba kayo?"

"Iha."

Napatalon ako sa gulat nang may tumawag sa'kin.

Jusko naman.Parang aatakehin ako.

Isang matandang lalaki ang humarap sa akin.Akala ko kung sinong maligno.

"He-Hello po."

"Hinahanap mo ba ang dalawang magkapatid?"

"Opo.May ibibigay lang po ako sa kanila.Pero mukhang wala po ata sila sa loob."

"Ay naku iha, naroroon sila sa may talon at naliligo."

Talon?Iyon ba yung pinag-uusapan kanina?

"Saan po iyon banda?"

MarahuyoWhere stories live. Discover now