Kabanata 24

33 0 0
                                    

Nia's POV:

Nagpaalam ako kay Hena na umuwi na.Marami pa akong aasikasuhin.Desiyon kong bukas na bumalik doon,kasama si Xenon.

"Oh sige,mag-iingat ka sa daan ha."

Isang tango ang ibinigay kong sagot sa nag-aalala kong kaibigan na si Hena.Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga mata kung naiiyak at namumula.Mayamaya ay kay Xenon naman ito napatingin.

"Ihatid mo ng maayos si Nia.Kapag may nangyaring masama sa kaniya,ako ang makakalaban mo."

Banta pa nito kay Xenon na napailing nalang.

"Malabong mangyari iyan,Binibini."
Nakangiwing sambit ni Xenon.

"Hena ang pangalan ko hindi Binibini.Oh siya umuwi na kayo."
Naiinip naman na sabi ni Hena sa kausap saka ako tinanguan.

Hinatid pa niya kami ng tingin para daw masiguro niyang walang gagawin sa aking masama si Xenon.Nang makalayo na kami ay hinawakan ni Xenon ang aking braso saka kami naglaho.

Pagkarating ko sa bahay,agad akong nagtungo sa kwarto,inihanda ko ang aking maleta at kinuha ang mga kakailanganing gamit para sa aking pagbabalik.

Nang matapos ay nagtungo ako sa baba para asikasuhin naman ang bisita.Prente itong nakaupo sa pang-isahang sofa at tila ba'y malalim ang iniisip.

"Anong gusto mong kainin?"

"Wala."

Napakunot ako ng noo dahil sa sagot nito.Wala yata siya sa mood na makipag-usap kaya hinayaan ko na lamang siya.

"S-Sige.Kung ganun,matutulog nalang muna ako."

"Madaling-araw tayong lilisan,kaya dapat lang na matulog ka ng maaga."

Nahimigan ko ang pagod sa kaniyang tono,mukhang stress na stress siya mga nangyayari.
Iniwan ko na siya doon at bumalik na sa taas.

Wala nang atrasan 'to,gusto ko na rin siyang makita.

_____

Kinabukasan,maaga akong nagising ayun na rin sa sinabi ni Xenon na kailangan kong magising ng maaga.
Nasa baba na ako at handa sa lahat.Pansin ko naman ang pananahimik ni Xenon na aking ipinagtaka.

"May problema ba Xenon?"

"Wala.Kumapit ka." Aniya at inilahad sa akin ang kaniyang braso.

"Huwag kang bibitaw."

Napatango nalang ako.Nang isang iglap lang ay may lumabas na nakakasilaw at bilugang bagay sa aming harapan.Napatakip ako ng mga mata nang hilahin ako niya ako at pumasok na kami sa bilugang bagay na iyon.

Napakapit ako ng mahigpit kay Xenon dahil sa puwersang humahatak sa amin paharap,hindi ako makapagsalita at maging ang paggalaw sa aking katawan ay nahihirapan ako.Pumikit ako muli.

Hanggang sa huminto ito.

"Nandito na tayo."
Untag ni Xenon sa akin.Kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at biglang namangha sa mga nakikita sa paligid.

"Nasaan tayo?" May gulat sa aking mukha nang tanungin ko iyon sa kaniya.Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita.

Isang malaparaisong lugar ang nasa aking harapan ngayon,maraming nagkikintabang mga halaman,puno at  isang palasyo ang nagbigay sa akin ng atensiyon.Sa likod namin ay isang kagubatan,payapa ito.

"Sa kaharian naming mga puting engkanto.Kailangan na nating pumasok."

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang kaming naglaho ulit at napunta sa tapat ng isang pintuan.

Bigla akong kinabahan sa di mawaring dahilan.Lumukob ang kaba sa aking dibdib at napakapit lalo ng mas mahigpit kay Xenon.Hindi ko alam,ngunit gustong-gusto ng aking katawan na pumasok sa likod nitong pintuang nasa harapan ko.
Akma ko na rin sanang pipihitin ang busol ng pintuan nang makarinig kami ng isang sigaw mula sa loob.

Napalingon ako kay Xenon.Nakakunot pa rin ang kaniyang noo hanggang ngayon.Isang sigaw ulit ang aming narinig pero mas malakas na iyon.Dumagundong na naman ang aking puso sa kaba.

"Anong nangyayari Xenon?"

"Alam na niyang nandito ka.Pumasok ka na sa loob."

Napatigil ako nang bahagya niyang tanggalin ang kamay ko sa mga braso niya.

"Anong ginagawa mo?"

Nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi na aking ipinagtaka.

"Pasok na."

Bahagya niyang pinihit ang busol ng pintuan kaya bumukas ito ng kaunti.Sumunod ang aking katawan papasok doon habang siya'y nasa labas na nakatingin sa akin,hawak niya rin ang maletang dala ko.What is he doing?

"Ginagamit mo ba ang kapangyarihan mo sa akin,Xenon?!"
Nahihintakutan kong tanong dito nang hindi ko makontrol ang aking katawan.

"Isasara ko na ang pinto,mahal na reyna."
Sabi pa nito na unti-unting sinasara ang pinto na aking ikanabahala.Anong nangyayari?

"Anong ibig mong sabihin?!"
Tuluyan nang nasara ang pinto at bumalik na rin sa normal na kondisyon ang aking katawan.

Pinaghihila ko ang pintuan para mabuksan ito ngunit hindi gumana iyon.Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso,at kinabahan pang lalo sa mga nangyayari.

Anong ibig niyang sabihin?Palabas lang ba iyon ni Xenon?Nililinlang lang ba niya ako?!Argh--

"Nandito ka na mahal ko,kumusta?"

🌿

Marahuyoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن