Kabanata 23

23 0 0
                                    

A year later~~

Nia's POV:

It's been a month,kumusta na kaya sina Lola?Maayos ba kaya ang kalagayan niya doon?Sinasamahan pa kaya siya nina Lucas at Maya?Eh si Xavier? Hinihintay pa kaya niya ako?O baka naman...ikinasal na siya sa kapwa niyang engkanto.

Napaismid ako.Siguro nga,sa itsura niyang iyon.Baka nakabingwit na iyon ng bagong jowa.

"You seems so bothered,Nia.May masakit ba sa'yo?"

Umiling ako sa bagong dating.Si Hena,bago kong kakilala mula sa bago kong trabaho.Matapos naming bumalik dito sa Manila, bumalik ako sa pagiging photographer pero hindi na ako nagtagal dahil humihina ang sweldo ko kaya naisipan ko nalang na magtrabaho bilang call center agent.
At dito ko siya nakilala tsaka naging kaibigan na rin.She's weird pero hindi ko na iyon pinansin.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin.Sa labas ng isang coffee shop.Kahit gabi na'y bukas parin para saming mga nagtatrabaho bilang call center.

"Here oh your favorite coffee, macchiato."

"Thanks ha.Libre mo?"

She scoffed and then glared at me.Natawa naman ako.

"Excuse me.Bayaran mo yan.Pay what's yours girl."
She said while rolling her eyes heavenwards.

"Grabe to,kuripot mo talaga ano?"

"At least may pera diba?"

Babaeng to talaga.Pansin ko naman ang pulang mantsa sa manggas ng blue shirt niya.

"Huy ano yan?Nasugatan ka ba?"
Saad ko habang tinuturo ito.

"Ah...ah w-wala ito,ano...ketchup tama.Sa ketchup to,eh kasi kumain ako ng pizza kanina tapos natapunan lang hehe."
Aniya habang pinapagpagan ang shirt niyang may pulang mantsa.I know she's lying at me.Feeling ko talaga nasugatan siya eh.Malihim na tao si Hena,ayaw lang siguro niyang pag-usapan namin kaya hindi na ako masyadong nagtanong.

"Okay.Day off natin bukas,anong gagawin mo?"

"Maggo-grocery ako bes.Ubos na supply ko eh."

Tiningnan ko siya na parang nangsusupitsya.Kaka-grocery lang niya kagabi ah.

"O-oh anong tingin iyan?Bawal na ba mang-grocery?"
Aniya tsaka tumayo na matapos ubusin ang kinain niyang Spanish bread.

Tumayo na rin ako para sabayan siyang maglakad papunta sa apartment na malapit lang sa lugar namin.

"Kaka-grocery mo lang kaya.Sigurado kang ubos na?"

Ayan na naman ang umiikot niyang mga mata.

"Alam mo bang may kapatid din akong binubuhay?Binubuhay pa ba ang term na gagamitin o pinapalamon?Yeah parang ganun na nga.He's 10 years old,lumayas siya sa poder ni Dad at tumira nalang basta-basta sa pamamahay ko.See?Ang bata pa pero walanghiya na."

"Nagsalita ang hindi lumayas at nagpakalayo-layo sa magulang.Magkapatid nga kayo."

She smiled.Ngayon ko lang ulit nakita siyang ngumiti na abot hanggang sa mga mata niya.

"Yeah kailangan kong gawin yun.Kasi...ka--"

She stopped when someone suddenly interrupted.

"Nia!"

MarahuyoWhere stories live. Discover now