Kabanata 10

27 2 0
                                    

Nia's POV:

Bigla nalang kumalabog sa itaas.Nagkatinginan kaming tatlo.
Pansin ko namang natakot si Maya sa narinig kaya niyakap ito ng kapatid tsaka nagsumiksik ang dalawa sa sofa.

Tumingin ako sa itaas.Ngayon lang ito nangyari.
Puntahan ko nga.

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Maya.Napalingon ako dito.

"Ate."

"Iche-check ko lang ha.Dito lang kayo.Sumigaw kayo kapag may nakita kayong kung ano.Baka inakyat tayo ng magnanakaw."

"Walang nangyayaring ganiyan dito ate.Kung may nagmumulto pa,paniniwalaan ko pa yun kaysa sa may magnanakaw."

Napairap ako sa sinabi ni Lucas.Talagang tinakot pa niya ako.Ayan tuloy pati si Maya,napatakip na ng tenga.

"Basta dito lang kayo ha?"

Agad naman napatango ang dalawa.

Hindi ko alam kung bakit di ako natatakot.Parang may kakaiba akong nararamdaman.Yung nasasabik na medyo kinakabahan.Ewan hindi ko maipaliwanag.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kung saan nagmula ang ingay.

*Blag*

Muli na namang may kumalabog.This time alam ko na kung saan iyon nanggagaling.
Sa kadami-daming kwarto dito bakit sa kwarto ko pa.

Dahil desidido akong malaman kung ano yung nangyayari sa loob,kinuha ko ang tambo na nakasabit sa dingding.Malapit na ako.

Huminto ako sa harapan ng pinto,ginawang batuta ang tambo kung sakaling may gagawa ng masama at tsaka pinihit ang seradura.Mabilis kong binuksan ang pinto at aamba na sanang pumalo ngunit napahinto ako.

Isang bulto ang aking naabutan na may binubugbug na kung anong nilalang sa sahig.
May maitim itong balat at kulay pula ang mga mata.
Nakatalikod naman sa akin ang isang lalaking may maraming sugat.

Lumalakas ang tibok ng puso dahil sa nasaksihan.

"Ah...Ahhh."
Naisambit ko nalang dahil wala akong makapang salita.
Mukhang narinig ako ng mga ito kaya'y parehas silang napatingin sa akin.

Gulat ang rumihestro sa aking mukha dahil sa kaharap.

"Xavier."

"Diyan ka lang,Nia."
Sabi niya nang lalapit na sana ako.

"Ano bang nangyayari dito?Tsaka anong klaseng nilalang iyang hawak mo?!Ayyy!"

Lumaban yung maitim na nilalang kay Xavier kaya nabitawan niya ito.Pilit itong kumubabaw kay Xavier na aking ikinabahala.Agad naman itong nahawakan niya sa leeg at hindi nag-atubiling malakas na isinandal ito sa pader.Nagpupumiglas pa ito at pilit na tinatanggal ang mga kamay niya.

Anong gagawin ko?Wala akong alam na panlaban sa,sa malignong yan.Yung lampshade,ay wag baka masira,eh yung sinturon...anong magagamit nun eh malakas yung kalaban.

Kukunin ko na sana ulit yung tambo nang malakas na napahiyaw ang maligno na aking ikinatingin,sabay pagkawala nito na parang bula.

Anong nangyari?

Natuon ang aking pansin sa lalaking nakatalikod.Pinagmasdan ko ang likod nito,ang buhok niyang mahaba na umabot hanggang puwetan,ang kasuotan nitong marangya at magarbo na ngayo'y punit-punit na.Anong nangyari't madami din itong sugat?Anong ginawa nung maligno sa kaniya?

MarahuyoWhere stories live. Discover now