Kabanata 5

37 2 0
                                    

Nia's POV:

"Darn,saan ko ba iyon nilagay?"

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama.Kasalukuyan kong hinahanap ang bracelet na ibinigay sa'kin ni Papa dahil nawawala ito.Kagabi matapos kong mag-shower napansin kong wala na iyon sa wrist ko.

At ito ako ngayon nababaliw na kakahanap.
Inisip ko na man yung mga nangyari kahapon at kung saan ako nagpupunta.
Bigla akong napahinto nang may sumagi sa aking isipan.

"Di kaya...nasa kakahuyan iyon?"
Sambit ko.Ngunit iwinaglit ulit.
"Paano naman mangyayari yun?Wala naman a...kong gina...wa."

Unti-unting bumalik sa aking alaala ang pagkabundol sa akin at nung lalaki.Ang pagkauntog ko sa camera hanggang sa...

"Did I just drop it there?Ay kay tanga naman."
Sapu-sapu ko ang aking noo na lumabas ng kwarto at bumaba sa ikalawang palapag ng bahay.

Mukhang mapapaaga ang pagbalik ko doon.Importante sa'kin yung bracelet,bigay yun ni Papa bago siya nagpuntang abroad.Kapag yun tuluyang nawala,parang nawala na rin ang isang parte ng buhay ko.

Papalabas na ako ng bahay nang may tumawag sa'kin.

"Oh apo,saan ka pupunta?Napaaga ka yata?"

Tuluyan ko ng nilingon si Lola na may ngiti sa labi.

At mapapaaga din ang pagsisinungaling ko.Lord patawad po.

"Magandang umaga po La."

Ang plastik ko talaga.

"Pupunta po kasi ako...sa...sa hardin La.Lalanghap lang ng sariwang hangin.Hehe."

"Eh napakaaga naman yata apo.Tsaka may terasa ka sa taas bakit doon pa sa hardin?"

Napalunok ako.
Saglit lang La hahanap lang po ako ng palusot.

"Ehem,hihintayin ko po kasi na sumikat ang araw.May nakapagsabi po kasi sa akin na...maganda daw po tumingin sa tanawin dito sa probinsiya kapag,kapag sumisikat ang araw.Tama."

Kaninang nakakunot nitong noo ay napalitan ng ngiti dahil sa aking sinabi.

Nakapasa ba ako?

"Tama iyon apo.Maganda talaga dito kapag pasikat ang araw.Siya sige,huwag ka lang lumayo doon ha?Pagbalik mo kumain ka na rin may inihain akong kamote at kamoteng kahoy doon sa kusina."

Hays salamat.

"Sige po La.Kakainin ko po yun mamaya."
Nakangiti ko pang sabi kahit talagang napipilitan lang.
Bakit ba naman kasi nawala iyong bracelet,ayan tuloy napasabak pa ako sa pagpapalusot.

Binagtas ko ang daan papuntang kakahuyan.Hindi ko man lang naisipang magbihis bago pumunta dito.Ito ako't nakapantulog pa.

Hindi naman sa nagmamayabang,pero kahit ganito ang itsura ko maganda pa rin naman.

Nang marating ko ang lugar kung saan ko nakatagpo ang lalaking iyon,sinimulan ko nang hanapin ang bracelet.Patingin-tingin sa baba,sa kanan maging sa kaliwa.

"But unfortunately...wala.Asan na ba yun?Magpakita ka naman."

"Ito ba ang hinahanap mo?"

MarahuyoWhere stories live. Discover now